Merry Pa Rin ang Christmas
Its Christmas time. Every year during christmas ay lagi akong my regalo sa aking pamilya. Lahat sila binibilhan ko kahit mga simpleng bagay lang. Damit, laruan para sa mga bata at konting panghanda para sa pagdiriwang ng pasko. Isang buwan bago ang december ay nagiipon na ko ng pambili ng aking mga regalo sa kanila. At sana ay naappreciate din nila ang mga binibigay ko. But this year, bago magpasko ay binayo ng bagyo ang aming probinsya. Sa bicol halos ang mata ng bagyo kaya naman ay talagang nasalanta ang aming lugar. Malapit pa naman ito sa dagat. Ang aming bahay ay nasira dahil sa malakas na hangin. Nabuwal ang mga puno at lalo na ang tanim na palay. Maraming bahay ang nasalanta at maraming pamilya ang nawalan ng kabuhayan. Ngunit ganun pa man, hindi ito magiging hadlang upang hindi natin maipagdiwang ang kapaskuhan. Kahit na medyo kapos ako dahil mas inuna kong itulong na makapag bubong uli sa aming bahay, ay hindi ko pa rin nakalimutan ang mga munting regalo na a...