Pasalubong from Bicol
Palagi ako bumibili ng honey sa palengke kaya naisipan ko na lang na magpabili sa bikol. At tiyempo naman may nagbebenta sa nanay ko ng pulot galing bundok. Sana nga ay pure pa rin talaga ang binebenta niya. Dati nung bata ako, nung sa bundok pa kami nakatira minsan nakakakuha ang tatay ko ng honey, kaya pinapapak agad namin iyon kasi ang sarap talaga niya. Sinisipsip namin ung bahay niya, wala ng mga bee pero minsan may mga itlog pa. Ayun nga palagi akong bumibili 150 pesos sa palengke, pero hindi ko naman sure kung pure talaga kahit na nakalagay sa bote niya na pure honey sempre hindi pa din ako sigurado. At hindi mawawala ang paborito kong pili. Ito na ung padala from bicol, kinuha ko lang siya sa terminal ng bus kaninang umaga. Gusto ko sana ung fresh na pili para may lantahon ako eh, ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng lantang pili. Pero wala eh walang aakyat kaya ito na lang pili candy. Ito naman yung binibili ko sa palengke na...