Pasalubong from Bicol
Palagi ako bumibili ng honey sa palengke kaya naisipan ko na lang na magpabili sa bikol. At tiyempo naman may nagbebenta sa nanay ko ng pulot galing bundok. Sana nga ay pure pa rin talaga ang binebenta niya.
Dati nung bata ako, nung sa bundok pa kami nakatira minsan nakakakuha ang tatay ko ng honey, kaya pinapapak agad namin iyon kasi ang sarap talaga niya. Sinisipsip namin ung bahay niya, wala ng mga bee pero minsan may mga itlog pa.
Ayun nga palagi akong bumibili 150 pesos sa palengke, pero hindi ko naman sure kung pure talaga kahit na nakalagay sa bote niya na pure honey sempre hindi pa din ako sigurado. At hindi mawawala ang paborito kong pili.
Ito na ung padala from bicol, kinuha ko lang siya sa terminal ng bus kaninang umaga. Gusto ko sana ung fresh na pili para may lantahon ako eh, ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng lantang pili. Pero wala eh walang aakyat kaya ito na lang pili candy.
Ito naman yung binibili ko sa palengke na honey, pinagtabi ko sila. See the difference, paubos na siya eh pero kitang kita mo ang kaibahan sa color. Ung galing bicol dark brown na malabo, ung nabibili ko malinaw na brown, na parang dark yellow lang.
At sabi ng mga magsasabong, para malaman kung puro ang honey ay kumuha ka ng palito at ibabad mo sa honey ng mga limang minuto at saka mo sindihan. Kapag sumindi daw at umapoy ibig sabihin pure ang honey. Hindi ko alam kung totoo ito. Pero ginawa ko naman, ayan binabad ko ang palito at sinindihan ko at sumindi naman. Kaya sana puro nga ito.
Ito namang isang picture, nilagay ko sya sa freezer ng 24 hrs at infairness ha, hindi siya nagyelo o nabuo. So siguro pure nga itong honey.
Nalasahan ko pa din naman ang naaalala kong lasa ng honey nung bata pa ako. Kaya 98% na sure din akong puro itong honey na pinadala sakin ng nanay ko. Siguro naman hindi nila gugustuhing mandaya dahil alam din ng magulang ko kung anong itsura ang purong honey.
May stock na ako ng honey for my everyday use. Ginagamit ko kasi ito pag umaga, hinahalo ko sa apple cider vinegar eh, at sempre sa kape para iwas sa asukal. Mas healthy at mas maraming benefits ang honey, pero hindi ko siya gagamitin na body scrub kasi sayang hehehe.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento