DIY Placemat

Marami ba kayong magazines sa bahay nyo na nakakalat lang at hindi ginagamit.?

Bakit hindi kaya natin gawin kapaki-pakinabang ang mga ito para mabawasan ang mga kalat.? 

Ano-ano ba ang pwedeng gawin sa mga magazine? 

Una na jan, pwede nating gawing mga pandisplay sa ating mga bahay. Pwede nating gawing bag, na ginagamit sa palengke. May eco-friendly bag pa tayo at bawas sa plastic. Marami tayong pwedeng gawin sa mga ito, ang kailangan lang ay malikhaing pagiisip, pasensiya at tiyaga sa paggawa. 

Pero ang isa sa mga pinakamadaling gawin dito ay placemat. Yung patungan natin ng mga plato kapag kumakain tayo sa mesa. Kesa bumili tayo ng mga ganito, na hindi din naman mga mura eh gumawa na lang tayo. Simple lang ang mga kailangan natin para makagawa tayo ng placemat. Magazine lang at plastic na pambalot o kaya  naman ay masking tape. 

Tupiin mo lang ng tupiin ang mga ito at gumawa ka ng parang banig, at saka mo isalansan. Ayos na, meron ka ng diy placemat na super cute pa ang designs. 

Ito ang mga nagawa kong placemat. O di ba! Simpleng maganda. Masking tape ang pinambalot ko jan para hindi siya nababasa at nakadikit lang. Yung plastic kasi natutuklap ang balot kaya, mas maganda na yung nakadikit siya. 








Kelangan lang ng tiyaga sa paggawa para maganda ang resulta. Kahit saang bagay naman kapag ginamitan mo ng tiyaga ay maganda ang kalalabasan. Kahit para sa iba ay walang halaga ito, pero para sa akin isang achievement na ito, at least nabawasan ang mga nakakalat sa aking bahay. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!