I donated my long hair

For almost 3 years, hindi ako nagpagupit ng hair. Mas gusto ko kasi talaga ang mahabang buhok, kaya lang magastos naman sa shampoo at conditioner. 

Last January, napanood ko sa Salamat Dok ang hair donation. Kaya I decided to cut my hair para idonate, para kahit papano makatulong naman ako sa mga taong may problema sa buhok. Hindi man ako makabigay ng malaking halaga o ng pera, kahit sa munting paraan nakatulong naman ako sa pamamagitan ng aking buhok. 

Mabuti na lang at kahit noon pa ay hindi ako nagpapatreatment ng hair sa salon. Natural treatment lang ang ginagawa ko, kapag magluluto ako ng ulam na may gata nagtitira ako ng gata para mailagay ko sa buhok ko, may instant conditioner na ako. At minsan, mayonnaise naman, totoo ito, promise! Before ka maligo, magapply ka ng mayonnaise sa buhok mo at ibabad ito ng mga 15 mins then maligo ka na, in fairness sobrang soft ang shiny ang hair mo. 

At super happy ako kasi approve ang hair ko para gawing wig. I donated my hair sa JCI Manilena, isa siyang non-profit organization na tumutulong sa mga taong may sakit lalong lalo na ang may mga alopecia. If you want to donate your hair, you can visit their facebook page or contact them. At least 10 inches ang hair, no color, no treatment from the salon and others. Mas maganda kung healthy ang hair para maganda din ang kalabasan ng wig na gagawin. 




That's my lovely hair, 10 inches long siya and healthy. Sana matuwa yung taong makakagamit ng hair ko. And I promise to myself na magdodonate uli ako ng hair kapag humaba naman ang buhok ko. Masarap sa pakiramdam ang makatulong kahit sa munting paraan lang. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat