Hello everyone, It's me again.!

Hello everyone...

How's life during this time..?

Ako, kami talagang mahirap lalo na takot lalo na pag lumalabas, pero kelangan natin lumabas para bumili ng makakain at kung ano pa. Kelangan na lang natin magingat palagi, hindi lang doble dobleng ingat kundi triple pa o lahat lahat na, para sa pamilya natin. 

Matagal akong hindi nagblog dito, nawalan ako ng gana I admit, hindi ko alam kung ano ang isusulat ko parang wala naman ako maiseshare na maganda, wala din naman nagbabasa nito. Wala akong focus at lalong wala akong inspirasyon na magsulat ba. Kasi everytime na nasa harap na ko ng lappy ko blangko na di ko na magalaw mga daliri ko para magtype at parang hindi gumagana ang utak ko huhu. 

Actually ngayon ko lang naman nabuksan itong blog ko after ko sumabay magrosary sa fb, eh naisipan kong buksan at parang gusto ko uli magblog ng kung ano ano lang. Sana lang may magbasa pa nito para naman ganahan ako magkwento. Gusto ko din pala palitan ang blog title nito ng "MissPromdi'sLife"..! Katulad na youtube channel ko pero wala pa naman akong vlog dahil sira pa ang phone ko kaya dito na lang muna ako mageemote hihi.!

Hope to see you soon here in my blog mga kaibigan..!

Take care everyone..!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Birthday bash