Summer na naman
Ramdam nyo na ba ang init, mga bes? Kahit hindi pa dinedeclare ng pagasa ang official summer time, ay naku grabe na ang init noh! Yung tipong, magigising ka ng maaga dahil pawisan ka na, at pumapasok na ang haring araw sa bintana, tapos magkakape ka pa.! Haiiistttt....
Lalo na dito sa siyudad, ramdam na ramdam ko na ang init factor to the point na gusto mo na lang magkulong sa aircon, ang problema naman patay tayo niyan sa meralco baka mamulubi tayo kakabayad ng kuryente..! Paglabas ko ng banyo, gusto mo na ulit magbabad sa tubig. Dito pa naman sa bahay namin, mainit din ang tubig na lumalabas sa gripo kapag tanghaling tapat.
Sa probinsya, mainit na din pero hindi ganito dito sa siyudad. Doon kasi marami pang puno, at pwede kang maligo sa dagat anytime o kaya naman sa bukalbukalan. Malamig din ang tubig doon dahil galing sa bukal.
Imbis na problemahin natin ang init, dahil wala naman tayong magagawa diyan. (Wish na lang natin na magkasnow din dito sa lugar natin hahaha). Gawa na lang tayo ng mga paraan upang kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman nating init. Ito ang mga paraan na pwede natin gawin:
Una, wag ka ng lumabas ng bahay kung wala ka din naman pupuntahan. O kaya naman, lumabas ka pag umaga o kaya sa hapon na, yung hindi na masikat ang araw. Kung hindi talaga maiiwasan eh, magdala ka na lang ng payong o kahit anong pangontra sa init. At magsuot ka ng preskong damit, wag naman yung kita na ang kaluluwa mo noh?.
Pangalawa, uminom ng maraming tubig para hindi madehydrate. Mahirap ng magkasakit ka pa dahil hindi ka umiinom ng maraming tubig. Libre lang ang tubig basta malinis, kesa naman puro softdrinks o juices ang iniinom mo magkakadiabetes ka naman at uti niyan.
Pangatlo, maligo ka araw araw, o kaya dalawang beses kada araw. Kapag pa naman ang init na at hindi ka pa naliligo, eh ano na kaya ang magiging amoy mo niyan. Susme, kahit hindi ka na magsabon kang walang sabon hahaha.
Pangapat, maglagay ka ng yelo sa may electric fan kung wala kayong aircon o kung nagtitipid ka sa kuryente para naman kahit paano eh malamig ang hangin na galing sa electric fan. Pwede mo na din inumin kapag natunaw na, hahaha joke lang. Wag ka lang papasok ng ref, at lagot ka sa nanay mo.
Panglima, gawa ka na lang ng ice candy o palamig para habang nanonood ng tv o kaya naman kapag nainitan ka may mapapapak ka, hindi yung lalabas ka pa para bumili. Pwede ka pang magsawa kapag sariling gawa, at siguradong hindi ka bitin.
Ako nga gumawa na ko ng ice candy, ubos na nga eh. Halos ako lang ang kumain nyan, dahil sa sobrang init. Naku, ilang araw lang sakin tumagal ito. Simpleng ingredients lang naman: cocoa, milk, sugar, cassava starch and vanilla. Ayan, may masarap ka ng dessert di bah!
Pwede ka din pumunta na lang ng mall, kung malapit lang kayo. Kahit maghapon kayo dun, walang problema may libre pang wifi. Magbaon na lang kayo para hindi kayo magutom.
At marami pang ibang paraan upang kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman nating init.
Ay naku, eenjoy na lang natin ang summer dito sa atin dahil marami ding ibang bansa ang naiinggit sa atin dahil dun sa kanila eh walang ganitong weather. Di ba nga, paborito nilang puntahan ang pilipinas para lang magbakasyon dahil gusto nila ang klima sa ating bansa. At tayo namang mga pinoy, eh magenjoy na lang dahil mas maganda pa din dito kesa sa ibang bansa. Wish na lang natin minsan na magkasnow din dito someday.
Mangyari kaya yun........????????
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento