Puto na may cheese

Kaninang umaga, paggising ko nagisip ako ng pwedeng lutuin para sa merinda mamaya.. And then, naalala ko na paborito ko ang puto. Usually doon sa amin ay giniling na bigas talaga ang gamit ng nanay ko para gumawa ng puto. Ang sarap nito dahil kadalasan ay bagong ani ang bigas namin. So dito, dahil walang giniling na bigas kaya all purpose flour na lang ang ginamit ko. 


After breakfast, ay ready na kong gumawa ng puto para mamaya. Ang kailangan lang ay all purpose flour, sugar, salt, baking powder, evaporated milk at tubig. Paghaluin lang ang lahat ng sangkap at ibuhos sa mga puto molde. Pasingawan ito sa loob ng mahigit labin limang minuto. 


And after almost thirty minutes na pagluto.... 


Taraaaa...





malaking puto na may cheese

maliliit lang 


May almusal at merinda na kami ngayon at para bukas... 


Tara, kain muna tayo....

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat