Pahiya ako, Lesson learned

Kaninang hapon, nagpunta ako ng market market para magrefund ng cash out of my internet bill, kasama ko pa ang palalabs ko. Hindi ko pa alam kung saan ang business center ng globe dun kaya hinanap ko pa sa computer nila. Nasa 4th floor.. Pagdating dun... susme... ang daming customer... hindi ko alam kung kanino ako magtatanong... puro english pa naman ang naririnig ko at halatang mga mayayaman ang mga customer dun... haiist.... pwera saken hehehe... hindi ako mayaman..


So, ayun nga nakapagtanong din ako. Sa customer service daw. Punta naman ako sa customer service, kelangan ko ng number kasi may number palang ibinibigay bago ka iassisst.. Hanap naman ako ng nagbibigay ng number... Sa wakas, may number na ako... Hintay na lang ng tawag... 


Ayun nga, dumating na ung queue ko.. Sabi ko, maam irerefund ko lang po sana ang cashout ko nung nagpakabit ako ng internet.. Ha! Inulit ko uli ang tanong ko.. irefund ko sana ung 1099 na binayad ko nung nagpakabit ako ng internet... Hindi po kami ngrerefund ma'am, sagot sakin... Gulat ako...! Ha...! Eh, pano po ung binayad ko..? nanlaki ang butas ng ilong ko. Pinakita ko pa ang dala kong mga resibo...  Sandali lang po echechek po natin... Kinuha niya ang resibo ay tsinek sa loob...


Ilang minutes din akong naghintay, hanggang sa lumabas uli siya.... Ma'am, ung binayad nyu po nacredit na po ung sa account nyu, Yung unang payment po... At ipinakita niya sakin ang binayad ko... 1099, 1843, 1433, at ang last ay 1099... Ay ganun po ba...? napailing ako... Sabi po kasi nung agent nung nagpakabit ako after 3rd billing pwede kong irefund... Sorry ma'am, credited naman po yun sa account nyu.. sagot sakin... Mabuti na lang mabait ang nagassisst sakin.... Hayys, pahiya ako.. Bibili pa naman sana ako ng bra at panty... Hindi tuloy ako nakabili kasi walang refund... 


P.S. Pakisabi dun sa agent niyo wag sabihin ung refund dahil naaabala ang tao, katulad ko napahiya pa ako... 


Kaiiiiniis ang araw na to....

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

Birthday bash