Please be safe mga kababayan

Halos ilang araw na din nagaalburuto ang Bulkang Mayon sa aming probinsya. 

Ang bulkang mayon ay isa sa mga pinakamagandang bulkan sa buong mundo. Dahil sa perpektong hugis cone nito na lalong nagpapamangha sa mga turista. Maraming mga tao ang ninais na makapunta sa bulkan at makita ang perpektong hugis nito. May kasabihan pa nga, na kapag pumunta kayo doon at nagpakita ang bulkan ay swerte daw. May mga panahon naman na natatabunan ng ulap ang bulkan, ang sabi daw ay yun ang mga pagkakataon na hinahalikan ni Panganoron si Daragang Magayon. Kapag umuulan naman at masuyo itong dumadaloy sa libis, ito daw ay ang mga luha ni Panganoron. Pero kapag ito ay nagaalburuto ito daw si Patuga na hinahamon si Panganoron. 

Marami mang mga version ang alamat ng bulkan, hindi nito maitatanggi na hanggang ngayon ay nabibighani pa din ang mga tao sa kanya. 

Ngunit sa ilang araw nitong pagaalburuto, ay hindi maikakailang marami ang nagandahan dito kahit na bumubuga na ng apoy at lava ito. Tinatawag na nga itong A beautiful disaster. 


photo courtesy to the owner


Sana kahit na nagagandahan tayo sa mga nangyayari sa bulkang mayon, unahin at isipin pa din natin ang kapakanan ng mga tao na posibleng mapahamak sa mga ibinubugang abo at lahar ng bulkan. 

Natatandaan ko nung bata ako nung nagerupt din ang bulkang mayon, siguro mga year 1993 yun (di ko sure kasi di ko na matandaan talaga eh). Kitang kita sa lugar namin ang apoy kahit na malayo kami sa kanya, at umabot din ang abo. Marami ang namatay noon lalo na mga magsasaka na malapit sa mayon.

Sana, ay tumigil na ang bulkang mayon sa kanyang pagaalburuto dahil marami ang nasirang mga kabuhayan ng mga kababayan ko dun sa probinsya. At sempre, para wala ng mapahamak na mga tao.

Sana po ay ligtas silang lahat doon... 

Godbless everyone... 





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat