Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2019

Bakasyon sa Probinsya

Imahe
Alam kong late post na ito, as in super late post na. Pero ipopost ko pa din hihi. Last May, nakapagbakasyon din ako sa aking lupang sinilangan. Sa magallanes, ang sarap kapag umuuwi sa probinsya, sariwa ang hangin lalo na ang mga pagkain. Kahit na puro gulay ang ulam as in solve ka na, kaya lang ewan ko ba, kung bakit palagi akong gutom dun. Iba kasi talaga ang hangin dun, nakakagutom at nakakaantok. Tapos walang traffic, walang maiingay at magugulong tao, walang polusyon. Halos 16 hrs ang biyahe mula Pasay hanggang sa lugar namin, kaya naman tiyak na masakit ang pwet mo pagbaba mo haha. Ganun talaga, by land lang ang travel sa amin, kasi kung mag eroplano ka naman hanggang legaspi lang at sasakay ka pa ng bus papuntang sorsogon at sakay uli ng jeep papunta na sa amin, kaya mas gusto ko magbus na lang para isang sakay lang  tulog tulog na lang at sempre kumain. Ito ang pinakanamimis ko sa probinsya, ang pagkain na napakasarap. Lalong na ang adubadong pusit ni papa na hindi k...