Bakasyon sa Probinsya
Alam kong late post na ito, as in super late post na. Pero ipopost ko pa din hihi.
Last May, nakapagbakasyon din ako sa aking lupang sinilangan. Sa magallanes, ang sarap kapag umuuwi sa probinsya, sariwa ang hangin lalo na ang mga pagkain. Kahit na puro gulay ang ulam as in solve ka na, kaya lang ewan ko ba, kung bakit palagi akong gutom dun. Iba kasi talaga ang hangin dun, nakakagutom at nakakaantok. Tapos walang traffic, walang maiingay at magugulong tao, walang polusyon.
Halos 16 hrs ang biyahe mula Pasay hanggang sa lugar namin, kaya naman tiyak na masakit ang pwet mo pagbaba mo haha. Ganun talaga, by land lang ang travel sa amin, kasi kung mag eroplano ka naman hanggang legaspi lang at sasakay ka pa ng bus papuntang sorsogon at sakay uli ng jeep papunta na sa amin, kaya mas gusto ko magbus na lang para isang sakay lang tulog tulog na lang at sempre kumain.
Ito ang pinakanamimis ko sa probinsya, ang pagkain na napakasarap. Lalong na ang adubadong pusit ni papa na hindi ko magaya gaya kahit anong gawin ko. Yung pusit kasi dito sa manila halos puro tubig na kasi nababad na sa yelo. Pero ito, tingnan niyo naman malaman yan at malinamnam, kaya talagang mapapalamon ka, ang takaw noh..!
Ang pili na galing sa bundok, na pinaakyat para may madala kami, akalain mo bang ako lahat ang nagtilad nyan, pero nilanta muna para mabilis mabiyak at hindi madurog ang mga laman, kaya habang pinupukpok ko ng sundang (itak) eh, sempre hindi mawawala ang pagpapak haha. Sobrang sarap niya, kaya kung nakakain na kayo eh, alam niyo na akung ano ang lasa nito. Lalo na ung nilanta. Ang nilanta ay yung ibabad sa mainit na tubig (yung katamtaman lang na hindi masyadong mainit), ibabad hanggang sa lumambot ang balat niya. At tanggaling mo lang yang balat na itim at pwede mo an kainin ang laman, masarap isawsaw sa asukal o kaya sa toyo. Try nyo.!
Ang sinapot/maruya sa probinsya, malalaki ang saging kaya sa isang piraso lang ay talaga mabubusog ka na.
Kung mahilig ka sa sili, ito yung puno namin ng siling labuyo, yung pinakamaliliit na sili hindi yung nabibili natin sa palengke kaya super anghang niyan. Madaming bunga yan, kaya marami din humihingi haha.
Last May, nakapagbakasyon din ako sa aking lupang sinilangan. Sa magallanes, ang sarap kapag umuuwi sa probinsya, sariwa ang hangin lalo na ang mga pagkain. Kahit na puro gulay ang ulam as in solve ka na, kaya lang ewan ko ba, kung bakit palagi akong gutom dun. Iba kasi talaga ang hangin dun, nakakagutom at nakakaantok. Tapos walang traffic, walang maiingay at magugulong tao, walang polusyon.
Halos 16 hrs ang biyahe mula Pasay hanggang sa lugar namin, kaya naman tiyak na masakit ang pwet mo pagbaba mo haha. Ganun talaga, by land lang ang travel sa amin, kasi kung mag eroplano ka naman hanggang legaspi lang at sasakay ka pa ng bus papuntang sorsogon at sakay uli ng jeep papunta na sa amin, kaya mas gusto ko magbus na lang para isang sakay lang tulog tulog na lang at sempre kumain.
Ito ang pinakanamimis ko sa probinsya, ang pagkain na napakasarap. Lalong na ang adubadong pusit ni papa na hindi ko magaya gaya kahit anong gawin ko. Yung pusit kasi dito sa manila halos puro tubig na kasi nababad na sa yelo. Pero ito, tingnan niyo naman malaman yan at malinamnam, kaya talagang mapapalamon ka, ang takaw noh..!
Ito naman ang pinapapak namin kapag hapon, ang indian mango namin. Malutong at masarap isawsaw sa bagoong, naku tuwing hapon umaakyat at sinusungkit ang malalaki na, na ang iba ay nahuhulog sa palaisdaan haha.
Ito ang mga tilapia na alaga ng tatay ko sa palaisdaan niya, na gagawing daing para madala dito sa manila, ang kaso hindi naman uminit kaya ayun sira ung iba, mabuti na lang naprito ung iba kund hindi naku po, sayang naman.
Ito na ang tinilad ko na pili, isang maliit na palanggana lahat na pinaghatian namin ng kapatid ko
Ang dinarang na buraw/Inihaw na alumahan na sobrang malinamnam dahil sariwa, isawsaw mo lang sa toyo at kalamansi ayun solved na solved ka na, nakain ko yung kalahati nyan at yung kalahati tinira ko sana para may makain pa sa hapunan, ayun nilapang ng pusa..
Ito ang kasag/alimasag na inesteam lang, malaman din yan at masarap papakin. Naku, patagalan na lang sa mesa pag kumain ka nito ha, at sempre bahala na kayo sa cholesterol nyo hihi.
Ito yung pinaluto ko kay papa na adubadong pusit para pampasalubong sa manila, hati hati lang kasi tatlong kilo lang naman yan. Basta makatikim lang ayos na di ba.!
Pasensiya na at puro pagkain ang nauna hihi, ang sarap kasing kumain., charr.
Ito nga pala ang paligid sa aming bahay, palayan at mga tanim lang. Bagong ani kasi nung umuwi kami kaya wala ng palay.
Kung mahilig ka sa sili, ito yung puno namin ng siling labuyo, yung pinakamaliliit na sili hindi yung nabibili natin sa palengke kaya super anghang niyan. Madaming bunga yan, kaya marami din humihingi haha.
Ang puno ng mangga at mga gabi, na masarap ang lasa dahil hindi makati. Kaya ayan, nagdala din ako nyan.
At ito ang palaisdaan ng tatay ko, sa paligid ay mga gabi at puno ng saging ang tanim. Meron diyan tilapia, bangus at mga tulya. Yung saging naman, may nakuha din kaming dalawang buwig na masarap iprito at ilaga. Hay, nakakamis naman ang saging na nilaga, tapos isawsaw mo sa bagoong o kaya nilupak, hmm nagugutom na naman ako..
Ito na pala yung bagong terminal sa aming bayan, hindi na siya sa banwa/centro, kaya mas maganda na kasi malawak na, may mga nagtitinda din dyan ng mga pampasalubong kaya pwede na kayo bumili. Yung mga jeep ay byaheng sorsogon.
At ganito kabilog ang buwan,
bilog na naman ang buwan, pabilog pabilog na naman ang buwan.
Aww, napakanta pa ako haha, ganyan ang buwan dun kasi fullmoon at mahulaan niyo kaya kung anog oras lang yan, wala pang seven pm ganyan na kadilim doon. Kaya nasa bahay na lahat, at tapos ng kumain. Manood ng tv saglit at ready na para matulog. Maaga akong natutulog lagi dun kaya nabawasan ng konti eyebags ko eh.
Hindi naman ako masyado nagcp dun, kaya iilan lang ang mga nakuhanan ko ng picture, pero at least meron di ba. May kasunod pa ito, hinati ko lang kasi masyado ng mahaba baka wala ng magbasa wahhh....
Ang sarap talagang umuwi sa probinsya noh, kaya lang dapat pag umuwi ka may pera ka huhu. Pero at least masaya naman, nakapaligo ka at nakakain ng mga namimis mong pangkain. At higit sa lahat nabawasan ang stress mo sa buhay.
Oh siya, sa susunod uli ha at matututog na ako. Babush.....
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento