Please be safe mga kababayan
Halos ilang araw na din nagaalburuto ang Bulkang Mayon sa aming probinsya. Ang bulkang mayon ay isa sa mga pinakamagandang bulkan sa buong mundo. Dahil sa perpektong hugis cone nito na lalong nagpapamangha sa mga turista. Maraming mga tao ang ninais na makapunta sa bulkan at makita ang perpektong hugis nito. May kasabihan pa nga, na kapag pumunta kayo doon at nagpakita ang bulkan ay swerte daw. May mga panahon naman na natatabunan ng ulap ang bulkan, ang sabi daw ay yun ang mga pagkakataon na hinahalikan ni Panganoron si Daragang Magayon. Kapag umuulan naman at masuyo itong dumadaloy sa libis, ito daw ay ang mga luha ni Panganoron. Pero kapag ito ay nagaalburuto ito daw si Patuga na hinahamon si Panganoron. Marami mang mga version ang alamat ng bulkan, hindi nito maitatanggi na hanggang ngayon ay nabibighani pa din ang mga tao sa kanya. Ngunit sa ilang araw nitong pagaalburuto, ay hindi maikakailang marami ang nagandahan dito kahit na bumubuga na ng apoy a...