Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2018

Summer na naman

Imahe
Ramdam nyo na ba ang init, mga bes? Kahit hindi pa dinedeclare ng pagasa ang official summer time, ay naku grabe na ang init noh! Yung tipong, magigising ka ng maaga dahil pawisan ka na, at pumapasok na ang haring araw sa bintana, tapos magkakape ka pa.! Haiiistttt....  Lalo na dito sa siyudad, ramdam na ramdam ko na ang init factor to the point na gusto mo na lang magkulong sa aircon, ang problema naman patay tayo niyan sa meralco baka mamulubi tayo kakabayad ng kuryente..! Paglabas ko ng banyo, gusto mo na ulit magbabad sa tubig. Dito pa naman sa bahay namin, mainit din ang tubig na lumalabas sa gripo kapag tanghaling tapat. Sa probinsya, mainit na din pero hindi ganito dito sa siyudad. Doon kasi marami pang puno, at pwede kang maligo sa dagat anytime o kaya naman sa bukalbukalan. Malamig din ang tubig doon dahil galing sa  bukal.  Imbis na problemahin natin ang init, dahil wala naman tayong magagawa diyan. (Wish na lang natin na magkasnow din dito sa lugar...

I donated my long hair

Imahe
For almost 3 years, hindi ako nagpagupit ng hair. Mas gusto ko kasi talaga ang mahabang buhok, kaya lang magastos naman sa shampoo at conditioner.  Last January, napanood ko sa Salamat Dok ang hair donation. Kaya I decided to cut my hair para idonate, para kahit papano makatulong naman ako sa mga taong may problema sa buhok. Hindi man ako makabigay ng malaking halaga o ng pera, kahit sa munting paraan nakatulong naman ako sa pamamagitan ng aking buhok.  Mabuti na lang at kahit noon pa ay hindi ako nagpapatreatment ng hair sa salon. Natural treatment lang ang ginagawa ko, kapag magluluto ako ng ulam na may gata nagtitira ako ng gata para mailagay ko sa buhok ko, may instant conditioner na ako. At minsan, mayonnaise naman, totoo ito, promise! Before ka maligo, magapply ka ng mayonnaise sa buhok mo at ibabad ito ng mga 15 mins then maligo ka na, in fairness sobrang soft ang shiny ang hair mo.  At super happy ako kasi approve ang hair ko para gawing wig. I donate...

Binut-ong/Binutong Recipe

Imahe
Ang binutong o binut-ong ay isang kakanin na very famous sa aming probinsya. Dapat kapag nagbakasyon ka dun siguruhin mong matitikman mo ito, para hindi mo makalimutan. Marami kaming mga pagkain na siguradong kapag inyong natikman ay hanap hanapin nyo. Nandiyan ang pili, na super sarap at kapag umuuwi ako eh talagang hindi ko pinapalampas na hindi kumain. Ang lumbod na susungkitin lang kapag gustong kumain. Mga kakanin katulad ng  puto lanson, suman, ibos at nilusak at marami pang iba.  At dahil namiss ko kumain ng binut-ong nagluto na lang ako. Sarap na sarap ako nito kapag nagluluto noon ang nanay ko para merienda namin pati na almusal. Super simpleng pagkain lang pero super sarap.  Here's the ingredients on how to make binutong: 1/2 kilo malagkit/glutinous rice 2 1/2 cups gata/coconut cream (or pwede nyo dagdagan if gusto niyo creamy) 1/4 tsp salt 10-12 pcs coconut leaves (sa probinsya ang gamit namin yung batang dahon na may stem pa, yung nakapulupo...