Sorry po,

I had many kasalanan today. The other day, I broke my blender. As in basag siya, guys..! Wala pang one year yung blender ko eh, mahilig kasi kaming magblender ng mga fruits and veggies for merienda. Nakapag blend naman na ko kahapon bago nabasag. Hinuhugasan ko na siya at natumba sa lababo, ayunnn napiraso ang lola niyo. Haissst, engot ko talaga. Mabuti na lang may nabibiling jar lang nito, kung hindi naku kelangan ko ng mga 2thou plus para makabili ng bago. 

Kahapon naman, alam niyo ba kung ano naman ang nabasag ko..???? Yung dining table lang naman....Kasi napatungan ko ng mainit na kawali. As in, hindi ko pa napansin na basag na pala siya, until nung nagpupunas ako ng mesa. Shukkks, lagot talaga ako nito!!! Kaya pala habang nagluluto ako, may narinig akong nagcrack pero di ko naman alam kung saan galing, ayun pagtanggal ko ng kawali may crack ang mesa ko, huhuhu. Nawala sa isip ko na mainit pa ang kawali bago ko pinatong. Nagvideos kasi ako ng recipe para may maupload ko sa youtube eh. Ang kaengotan ko kasi, napagalitan na nga ako. Imagine, mga 15 years na itong nagagamit tapos ngayon pa nabasag...




Ayaann siya guys oh! Crack lang naman yan sa gilid kaya lang ito na naman, habang nagaayos ako ng mesa kagabi para kumain na kami, napukpok ko naman kaya ayan natuluyan. Mabuti na lang at hindi natamaan ang paa ko. Makapal ang glass na yan, pero sa gilid may design kasi na medyo manipis kaya nagcrack. Hinarangan na lang muna namin ng upuan, para hindi na makadisgrasya. Ilang araw pa ito, bago paputulan na lang kasi sayang naman ang glass, mahal pa naman. 

At ito pa guys ha, hindi ko mahuli huli ung mabait dito. Hindi ko naman alam kung saan galing ito, dahil halos araw araw naman ako naglilinis. Ang dami ko ng nilagay na trap ha,  naiiwasan pa niya. 
Hay, sana mahuli ko na ito kasi hindi ako mapakali... 

O siya, yan lang ang chika ko ngayon. Ang init na noh? Manood muna ko ng Ang Probinsyano. Nanonood din ba kayo nito , guys? Kaya lang nakakasawa na eh, hahaha. Wala lang akong ibang mapanood kasi..😃

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

Birthday bash