Magluto na lang tayo ng may gata!
Dahil bikolana ako, favorite ko din talaga ang mga lutong may gata. Ang sarap kaya, malasa at malinamnam pa. Sa probinsya, ang sarap ng mga gulay lalo na ung langka, naku! hindi katulad ng langka dito sa siyudad na matigas.
Nagluto pala ako ng may gata nung isang araw. Super simpleng ulam lang siya, pero masarap. Nakatikim na ba kayo ng ginataang repolyo.? Kung hindi pa, baka gusto niyo subukan. Naku, di kayo magsisisi, pramis..!
Here's what you need:
repolyo (mga 25 to 30 pesos ang price niya)
tinapa (25 pesos only)
gata (25 pesos only)
onion, garlic,
salt and pepper, and sili pag gusto niyo ng maanghang.
*Saute onion and garlic until translucent. Then add the tinapa, and cook na medyo toasted. Add the gata then let it boil. Then add the repolyo and season with salt and pepper. Tadaaa, ang bilis lang di bah! In less than 15 minutes may masarap ka ng ulam.
Another gata dish is ginataang tahong at halaan (sa amin ang tawag sa halaan ay punaw, noong bata pa ako palagi kaming nangunguha ng punaw kapag hapon na sa dagat, tapos yun na ang ulam namin sa hapunan, pakuluan lang talo talo na.)
Simple lang din ang mga kailangan sa ginataang tahong na ito;
tahong at halaan (60 pesos kalahati, 100 pesos naman ang halaan kalahati lang yan, ang mahal noh?)(sempre, dapat malinis na at ung halaan napaluwa na ung mga buhangin, sa palengke naman ung halaan ay nakababad sa tubig kaya napapaluwa na din pero para sigurado ka, pagdating sa bahay eh ilagay mo sa palangganang may tubig at asin para bubuka sila at maalis ang mga buhangin.)
gata (25 pesos lang)
malunggay (2 tali, 10 pesos)
onion, garlic and ginger
siling haba
*Saute onion, garlic and ginger. Then add the tahong and halaan, add the gata and let it boil (mga 2 minutes). Put in malunggay and sili then season with salt and pepper. Do not overcooked the tahong and halaan para hindi lumiit hehehe. Then serve, ayaw may masarap na ulam na tayo.!
Kahit napakasimple lang ng niluto ko, super sarap naman. Mas masarap nga ang lasa ng mga simpleng ulam eh, sa panahon ngayon kelangan natin magtipid di bah? Pero dapat healthy pa din at magugustuhan ng pamilya natin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento