Happy Christening sa aming Chambelita
Last week ay pumunta ako ng bulacan, norzagaray for the christening of my brother youngest child, jasmine. Ang layo ng byahe mga inday, lalo na pag trapik para ka ng nagpunta ng baguio eh. Limang palipat lipat na sakay bago makarating sa bahay nila, nakakapagod pero okay lang at nakita ko na ang cute na cute na chambelita na ito.
Ayan ang aming cute na cute na pamangkin, nakasimangot na dahil napanggigilan eh.
Yung kakulitan talaga ng aking pamangkin walang makakatalo eh.
Masipag sila magwalis na may kasamang pagpapasaway..
Yan ang view sa harap nila kapag sunset na, di nga lang masyado makita ang sunset dahil sa bundok at mga punong nakaharang, pero ang ganda ng tanawin.
Talaga naman ang bata ay namutol pa ng sanga ng mangga eh.. hahaha
Ito ang kanilang bagong gawang bahay, na sila mismong magasawa lang ang nagtulungan para mabuo ang kanilang sariling bahay. Sobrang proud ako sa kapatid ko, dahil nakakaya niyang buhayin ang kaniyang pamilya ng hindi umaasa sa tulong, kaya niyang tumayo sa sariling nilang mga paa.
Anyway, pasensya na at tabingi yung last picture hindi ko na napalitan pero oks lang yan noh. Itabingi nyo ng lang minsan ang ulo nyo hehe.
Yan na lang muna, marami rami pa kong blog na ipopost para magkaroon ng space ang aking phone.
Thank you for reading this kwento kwento on blogger.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento