Pagkakitaan natin ang resibo

A few months ago, nabasa ko sa fb ung mga online jobs, na pwede mo pagkakitaan at isa sa nagkainteres ako ay yung Snapcart, na kung saan ang mga resibo mo ay may cashback. Sino ba ang hihindi dito di ba?. Kasi imbis na itapon ng itapon lang ang mga resibo, mas maganda na pagkakitaan ito. 

So, niresearch ko ang about sa Snapcart na ito., at madali lang pala magsignup. Kelangan mo lang idownload ang apps nila, ang then magsign up ka na. Pwede ka ng magstart magsnap ng mga reciept. Sa ngayon eh, ung mga receipt mula sa Grocery, Cosmetics, Pharmacy at Fresh Food ang tinatanggap nila. Katulad ng mga receipt mula sa Hypermarket, Supermarket, Minimarket, Cash and Carry, Convenience Store, Drug Store, Cosmetic store, Baby Milk Store and other stores with legal cash register.

Hindi nila tinatanggap ung mga receipt na galing sa Restaurant, Gas Station, Bookstore, ATM, Parking, Beauty Salon, Online Stores, Ticket Machine, at ung mga sa Furniture at Tools Store. (sayang sana lahat ng receipt na lang noh). 

Maximum of 3 shopping receipts per day can be uploaded. 

Sempre, you are only allowed to upload receipts that is for yourself or your own household consumption. Kasi if they detected fraud or not common shopper behavior, they will disqualify or ban your account and your cashback will be suspended, sayang naman diba.

Dapat din kelangan clear and complete ung receipt na inaupload nyo, para may cashback kayo. 

Yung cashback nyo sa receipt is depende sa kung magkano ang purchases mo. Ito nga pala ung cashback rate nila: 

Receipt total value is between 1 - 100.99 = 0.5 cashback per receipt
Receipt total value is between 101- 250.99 = 1.75 cashback per receipt
Receipt total value is between 251 - 500.99 =  4.00 cashback per receipt
Receipt total value is between 501 - 1,000.99 = 8.00 cashback per receipt
Receipt total value is between 1,001 - 2,000.99 = 16.00 cashback per receipt
Receipt total value is more than 2,001 = 30.00 cashback per receipt

Ito pa lang ang cashback ko, ilang months na din ako nagsnapcart (siguro mga 4 months na) bihira lang naman kasi ako maggrocery eh at saka hindi naman madami binibili ko kaya konti pa lang ang naiipon ko pero ok lang at least kahit na pabarya barya lang eh may balik ang resibo ko.. 




Kaya ano pang hinihintay nyo, magdownload na ng Snapcart at magsnap na ng mga resibo. Kelangan natin maghanap ng mga sideline dahil sa hirap ng buhay ngayon eh at ang mahal pa ng mga bilihin. 

P.S. May mga bonus din pala ang snapcart, pwede kang sumagot ng mga surveys, ng videos at magshoot and you earned coins. Yung mga coins naman, pwede kang maglaro ng snaptastic na kung saan eh pwede kang manalo ng cashback din at mga coins. Ako, halos araw araw akong naglalaro eh, sayang naman kasi ng mga coins... 

Oh siya, ano pang hinihintay nyo download naaaaaaa....

UPDATE;
Nagiba na ang cashback nila, tumaas na ung receipt amount. Tingnan nyo. 
Between 1-500.99 = 0.50 cashback per receipt
Between 501-1,000.99 =1.75 cashback per receipt
Between 1,001-2,000.99 = 4 cashback per receipt
Between 2,001-3,000.99 = 8 cashback per receipt
Between 3,001-4,000.99 = 16 cashback per receipt
Between 4,001-0 = 30 cashback per receipt

See, tumaas na di ba? Pero oks lang yan, kesa naman itapon eh di magsnap na lang. Update din, ito na ang cashback ko.







Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat