Pocketbooks and Me

Sino sa inyo dito ang nagbabasa ng pocketbooks...? Taas kamay, hahaha joke lang!

Ako, super love ko ang magbasa ng pocketbooks. Nagumpisa yata ako magbasa nito nung highschool lang ako eh, lagi akong nanghihiram sa mga kaklase ko. Kaya lang minsan ang masama, eh nahuhuli kami ng teacher namin noon kaya napapagalitan kami dahil bad yun noh, ang magbasa sa classroom. Gustong gusto ko ang mga story kasi pakiramdam ko eh ako yung bida dun. Hopeless romantic nga ako eh, puro crush crush lang naman ako. 

Nung nagcollege na ko, tinigil ko muna magbasa. Eh wala na ko mahiraman. 

Pero ngayon, eh ang dami ko ng pocketbooks. Hindi na ko nanghihiram ha, binibili ko na. San ko binili...? Sa palengke ng pasig, kapag may binibili ako dun sinasama ko na sa budget ko ang pocketbooks haha. Ayaw ko kasing rumenta kasi ibabalik mo din sa kanila. At least yung bili, eh sayo na. Kaya lang po sa dami ng pocketbooks ko eh, at halos sa isang pocketbooks eh mga lampas sampung beses ko ng binabasa. Yung iba nga, pinamigay ko na lang. Pero yung mga PHR eh, ibebenta ko na lang. 

Nagtry din ako magsulat ng story sa pocketbooks. And pinasa ko sa PHR (Precious Hearts Romances), kaya lang kelangan kong eedit kasi daw kulang sa kilig haha. Dalawang story ang sinulat ko, yung pinasa ko eh, Pagibig na walang Dangal ang title (ito yung pinasa ko). Na hanggang ngayon hindi ko pa naeedit, ang haba kaya more thank 24,000 words yun at babasahin ko pa habang ineedit. Ang isa naman ay Mahal kita Mr. Lukoluko, nasa chapter 5 pa lang ako. Sana lang ay matapos ko, para maipasa ko uli. Dream ko kaya maging writer din, pagbigyan nyo na ko. Kahit nung nagaaral ako mas matataas ang mga grades ko sa mga written exams kesa sa mga oral exam, mahiyain kasi ako eh. Parang hindi ko masabi kung ano ang mga nasa isip ko sa salita. Kaya mas gusto kong magsulat na lang.





Ito nga pala mga pocketbooks ko, baka interesado kayo na bumili. Kelangan ko na silang i-let go kasi naluluma na at nakastock na lang. Lahat PHR, at lahat magaganda ang story. Halo halo ang mga author nito eh. 





Kung sinuman dito ang nagbabasa ng pocketbooks o nagpaparenta, baka gusto niyo po bilhin na lang ito hahaha, pandagdag ko lang sana sa pambili ko ng bagong ref. Kelangan na kasi palitan ref namin, more than 10 years na at hindi na dumidikit ung goma sa pinto. 

Uy, sige na bilhin nyo na........

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat