Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2016

Afternoon Snack

Imahe
Its a sunny day. I usually don't go out in the house these past few days because its really hot. Summer na talaga. At dahil mainit ay nakagugutom din ang tumambay sa loob lang ng bahay. Ang hirap naman kumain ng kumain because I want to lose weight. Naisip kong gumawa ng pilipit (bitsu bitsu) since its already months ng unang gumawa ako noon. Kaya lang medyo palpak kaya hindi ko pinost hehe. At matakaw ako, nagprito din ako ng paborito kong camote.  Anyway, sa bicol ang tawag dito ay biniribid. Dito sa manila kung ano ano ang tawag dito pilipit, bitsu bitsu, pretzel, or twisted bread. Usually, they rolled it in sugar glaze, but I prefer to roll it in milk powder and sugar so that it is not really sweet. Its really delicious and it is a common merienda here in the Philippines.  The fried camote (fried sweet potato) is also called camote cue. But you can see in my picture that there's no stick. Favorite merienda ng mga nagdidiet, like me. Sometimes, I pref...

Bihon Bihon din pag may time

Imahe
Ilang araw na akong naghahanap ng pancit, para akong buntis na naglilihi. Kaya naman naisipan kong magluto ng pancit bihon. Pagkatapos kong kumain nito, haay hayahay ang buhay. Ito lang ang mga simpleng ingredients sa niluto kong bihon.  Eto lang ang simpleng ingredients sa nilutong kong bihon.       1 pack 500 grams bihon      1/4 atay at balunbalunan (favorite ko kasi yan)      1 pack chicken balls      2 carrots      1/2 cabbage      1 chinese chorizo      1/4 kl. baguio beans      1 cup sitsaro      1 chiken knorr cubes (wala sa picture hehe)      2 tbsp soysauce      salt & pepper to taste      onion and garlic      4 cups water        * Saute onion and garlic till translucent then add the atay and balunbalunan. ...

Happy 1st Birthday

Imahe
Happy Easter Sunday..! HAPPY 1st BIRTHDAY to my pamangkin and my inaanak Justine Ray..! Anak ito ng aking bunsong kapatid na lalaki. At dahil sa Valenzuela sila nakatira ay go kami dahil ako ang nakatoka magbigay ng cake. In fairness, kami lang ang bisita ng aking cute na pamangkin. At syempre ang mga pinsan niyang doon din nakatira.  Kahit simpleng handa, ay nairaos ang iyong kaarawan. Sana lumaki kang mabait at wag pasaway na bagets hehehehe..  HAPPY BIRTHDAY

Holy Week

Holy week. Araw ng pagninilay nilay ng mga kasalanan natin dito sa mundo. Araw ng pagsisisi, pagkakaroon ng takot sa diyos at iba pa. Pero para sa akin, hindi lang dapat pagdating ng holy week tayo magnilay nilay o humingi ng tawad sa ating mga kasalanan. Sa dami ng ating mga kasalanan ay dapat araw araw tayong magdasal at humingi ng tawad ng taos sa puso natin. Ngunit ang karamihan satin, ito ang araw na nagpapakasaya sila. Imbis na magpunta ng simbahan, nasa beach sila at nagbabakasyon, imbis na magnilay nilay ito ang oras nila para magsaya. Ano na ba ang nangyayari sa ating mga tao? Masyado na ba tayong makasalanan, para magawa ang mga ito.  Ang holy week ay isang sagradong pagdiriwang para sating mga katoliko. Ito'y paraan para maalala natin ang sakripisyong ginawa ng Panginoon para matubos lang ang ating mga kasalanan. Ito rin pagbibigay alay para magkaroon tayo ng pagkakataon na magdasal ng taimtim at magnilay sa ating mga nagawa.  Sana lang, kahit na nasa bakasyo...

DIY Laptop Case

Imahe
Last year pa ako bumili ng laptop, para magamit ko sa aking online business at sa iba pang mga gagawin sa eskwelahan. Medyo mahal ng konti pero ok  lang kesa naman halos araw araw na lang na pumunta ng computer shop. Every month na din ang bayad ko sa internet bundle with telephone, actually hindi naman nagagamit ang telepono, pero ok na din yun.  Halos ilang buwan na ang laptop ko ay nitong nakaraang buwan ko pa lang natapos ang ginawa kong DIY laptop case. Naisip ko kasing kesa bumili ako ng case eh siguradong mahal pa, kaya nagtiyaga na lang akong gumawa. Ginantsilyo ko lang ito...  Halos 10 pcs na yarn ang naubos ko dito..  Medyo malabo lang ang picture ko, pero maganda naman di ba. At sigurado akong matibay yan, sariling gawa ko kaya iyan... 

Summer Na

Imahe
Dahil mainit na ang panahon kahit March pa lang ay ramdam na ang summer ay kanya kanya na namang gimik ang magagawa para kahit paano eh mabawasan man lang ang init. Ang iba swimming swimming na (mabuti pa sila), yung iba naman bakasyon grande na sa ibang lugar. Hmm, nakakainggit naman..  At dahil wala akong budget pambakasyon, o pangswimming. Naisip ko na lang gumawa ng pampalamig para kahit nasa bahay lang ay maibsan ng konti ang init na aking mararamdaman. Dahil usong uso ngayon ang kahit anong pampalamig, ice candy na lang ang naisipan kong gawin. Bukod sa mura lang eh madami pa akong nagawa kaya magsasawa ako nito.  Bumili lang ako ng dalawang pirasong manggang hinog, white sugar, sago at ung ingredients ko na pampasarap ng icecandy (secret hehehe), eto na nakagawa ako ng mahigit sa 40 pcs na ice candy with sugarfree version pa para sa heart ko.  mango sago ang flavor ng ginawa ko.. Yung green ay sugarfree version  Hindi ko po yan tinitinda. Papap...

Good morning people

Imahe
Isang masaya at magandang umaga sa inyong lahat. Maray na aga sa bicol. Good morning in english. At kahit anong language ay maganda pakinggan kapag binabati tayo ng good morning. Ibig sabihin lng nito ay mahal na mahal tayo ng DIyos dahil ginising pa tayo sa isang umaga.. Magkape muna tayo bago simulan ang ating araw ng may ngiti at may pagasa. Sa mga papasok ay kumilos na kayo dahil baka malate pa kayo sa inyong trabaho at sa paaralan. Pagkatapos magexercise ay kelangan ko na ding kumilos.  Hmm, ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Aha! kelangan ko palang mamalengke dahil wala na kaming pagkain at kelangan kong magluto para mamaya. Bumili ako ng gulay at mga prutas. At ilang ingredients para sa lulutuin ko mamaya.  Nagandahan ako sa mga nabili ko kaya ayan hindi ko napigilan ang sarili ko na ipost ito. gulay at prutas At eto pa...  Gumawa din ako ng homemade siomai, dahil namis kong kumain nito at bitin ako sa isang order na nabibili sa laba...

Earth Hour 2016

Imahe
Nagpunta kami ng SM Hypermarket sa Pasig kagabi para kumain at magrelax lang. Napansin ko ang maliit na stage sa may gilid ng foodcourt at nabasa kong magcelebrate sila ng Earth Hour 2016. So tiyempo naman na nandun kami kaya makicelebrate na din di bah.? Ilang sandali ba bago kami matapos kumain ay nagsimula na ang countdown, habang naghihintay ng 8:30 pm ay may mag entertain muna saming singer. Ang musicat daw, (sa totoo lang di ko naman kilala ang mga singer na to, kaya lang sige na nga picturan na dahil napansin kong iilan lang naman ang kumuha ng litrato nila.) So, eto na nga ang napicture ko kagabi.  Ay medyo malayo ang kuha ko hehehe O, eto tumayo na ko at lumapit ng konti.  Nakakahiya naman kung sa gitna pa ko pumunta noh? HAPPY EARTH HOUR 2016 Let us save the earth para mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon..