Good morning people

Isang masaya at magandang umaga sa inyong lahat. Maray na aga sa bicol. Good morning in english. At kahit anong language ay maganda pakinggan kapag binabati tayo ng good morning. Ibig sabihin lng nito ay mahal na mahal tayo ng DIyos dahil ginising pa tayo sa isang umaga..


Magkape muna tayo bago simulan ang ating araw ng may ngiti at may pagasa. Sa mga papasok ay kumilos na kayo dahil baka malate pa kayo sa inyong trabaho at sa paaralan. Pagkatapos magexercise ay kelangan ko na ding kumilos. 


Hmm, ano nga ba ang gagawin ko ngayon?


Aha! kelangan ko palang mamalengke dahil wala na kaming pagkain at kelangan kong magluto para mamaya. Bumili ako ng gulay at mga prutas. At ilang ingredients para sa lulutuin ko mamaya. 



Nagandahan ako sa mga nabili ko kaya ayan hindi ko napigilan ang sarili ko na ipost ito.


gulay at prutas


At eto pa... 


Gumawa din ako ng homemade siomai, dahil namis kong kumain nito at bitin ako sa isang order na nabibili sa labas, imagine 28 pesos for 4 pcs. Dalawang subo ko lang yun ah (joke). 


Eto lang ang mga ingredients:

     1/4 ground pork
     1 carrots 
     1 egg
     garlic
     onions
     onion leeks
     siomai wrapper 

     *Combine all the ingredients in a bowl and then wrap it in siomai wrapper and steam for about 15 to 20 minutes. 

 



pork siomai lang to at imbis na singkamas ang ihalo ko carrots na lang para mas healthy.
 Diet diet din kasi pag may time.  





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat