Holy Week

Holy week. Araw ng pagninilay nilay ng mga kasalanan natin dito sa mundo. Araw ng pagsisisi, pagkakaroon ng takot sa diyos at iba pa. Pero para sa akin, hindi lang dapat pagdating ng holy week tayo magnilay nilay o humingi ng tawad sa ating mga kasalanan. Sa dami ng ating mga kasalanan ay dapat araw araw tayong magdasal at humingi ng tawad ng taos sa puso natin. Ngunit ang karamihan satin, ito ang araw na nagpapakasaya sila. Imbis na magpunta ng simbahan, nasa beach sila at nagbabakasyon, imbis na magnilay nilay ito ang oras nila para magsaya. Ano na ba ang nangyayari sa ating mga tao? Masyado na ba tayong makasalanan, para magawa ang mga ito. 

Ang holy week ay isang sagradong pagdiriwang para sating mga katoliko. Ito'y paraan para maalala natin ang sakripisyong ginawa ng Panginoon para matubos lang ang ating mga kasalanan. Ito rin pagbibigay alay para magkaroon tayo ng pagkakataon na magdasal ng taimtim at magnilay sa ating mga nagawa. 

Sana lang, kahit na nasa bakasyon tayo ay hindi natin makalimutan ang tunay na kahulugan ng holy week para maging gabay natin sa ating mga ginagawa. Kahit hindi holy week, wag natin kalimutan magdasal para magpasalamat at humingi ng kapatawaran sa ating maykapal.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat