Summer Na
Dahil mainit na ang panahon kahit March pa lang ay ramdam na ang summer ay kanya kanya na namang gimik ang magagawa para kahit paano eh mabawasan man lang ang init. Ang iba swimming swimming na (mabuti pa sila), yung iba naman bakasyon grande na sa ibang lugar. Hmm, nakakainggit naman..
At dahil wala akong budget pambakasyon, o pangswimming. Naisip ko na lang gumawa ng pampalamig para kahit nasa bahay lang ay maibsan ng konti ang init na aking mararamdaman. Dahil usong uso ngayon ang kahit anong pampalamig, ice candy na lang ang naisipan kong gawin. Bukod sa mura lang eh madami pa akong nagawa kaya magsasawa ako nito.

Bumili lang ako ng dalawang pirasong manggang hinog, white sugar, sago at ung ingredients ko na pampasarap ng icecandy (secret hehehe), eto na nakagawa ako ng mahigit sa 40 pcs na ice candy with sugarfree version pa para sa heart ko.
mango sago ang flavor ng ginawa ko.. Yung green ay sugarfree version |
Hindi ko po yan tinitinda. Papapakin lang namin yan dito sa bahay habang nanonood ng tv o kaya naglalaptop, o kahit ano pang ginagawa. At least, kahit anong oras ko gusto kumain ay may makukuha ako pagbukas ko ng refrigerator kesa lumabas pa at bumili. Ang init pa naman sa labas, baka masira ang skin ko hehe.
Enjoy na lang sa summer....
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento