Ang binutong o binut-ong ay isang kakanin na very famous sa aming probinsya. Dapat kapag nagbakasyon ka dun siguruhin mong matitikman mo ito, para hindi mo makalimutan. Marami kaming mga pagkain na siguradong kapag inyong natikman ay hanap hanapin nyo. Nandiyan ang pili, na super sarap at kapag umuuwi ako eh talagang hindi ko pinapalampas na hindi kumain. Ang lumbod na susungkitin lang kapag gustong kumain. Mga kakanin katulad ng puto lanson, suman, ibos at nilusak at marami pang iba. At dahil namiss ko kumain ng binut-ong nagluto na lang ako. Sarap na sarap ako nito kapag nagluluto noon ang nanay ko para merienda namin pati na almusal. Super simpleng pagkain lang pero super sarap. Here's the ingredients on how to make binutong: 1/2 kilo malagkit/glutinous rice 2 1/2 cups gata/coconut cream (or pwede nyo dagdagan if gusto niyo creamy) 1/4 tsp salt 10-12 pcs coconut leaves (sa probinsya ang gamit namin yung batang dahon na may stem pa, yung nakapulupo...
For almost 3 years, hindi ako nagpagupit ng hair. Mas gusto ko kasi talaga ang mahabang buhok, kaya lang magastos naman sa shampoo at conditioner. Last January, napanood ko sa Salamat Dok ang hair donation. Kaya I decided to cut my hair para idonate, para kahit papano makatulong naman ako sa mga taong may problema sa buhok. Hindi man ako makabigay ng malaking halaga o ng pera, kahit sa munting paraan nakatulong naman ako sa pamamagitan ng aking buhok. Mabuti na lang at kahit noon pa ay hindi ako nagpapatreatment ng hair sa salon. Natural treatment lang ang ginagawa ko, kapag magluluto ako ng ulam na may gata nagtitira ako ng gata para mailagay ko sa buhok ko, may instant conditioner na ako. At minsan, mayonnaise naman, totoo ito, promise! Before ka maligo, magapply ka ng mayonnaise sa buhok mo at ibabad ito ng mga 15 mins then maligo ka na, in fairness sobrang soft ang shiny ang hair mo. At super happy ako kasi approve ang hair ko para gawing wig. I donate...
Marami ba kayong magazines sa bahay nyo na nakakalat lang at hindi ginagamit.? Bakit hindi kaya natin gawin kapaki-pakinabang ang mga ito para mabawasan ang mga kalat.? Ano-ano ba ang pwedeng gawin sa mga magazine? Una na jan, pwede nating gawing mga pandisplay sa ating mga bahay. Pwede nating gawing bag, na ginagamit sa palengke. May eco-friendly bag pa tayo at bawas sa plastic. Marami tayong pwedeng gawin sa mga ito, ang kailangan lang ay malikhaing pagiisip, pasensiya at tiyaga sa paggawa. Pero ang isa sa mga pinakamadaling gawin dito ay placemat. Yung patungan natin ng mga plato kapag kumakain tayo sa mesa. Kesa bumili tayo ng mga ganito, na hindi din naman mga mura eh gumawa na lang tayo. Simple lang ang mga kailangan natin para makagawa tayo ng placemat. Magazine lang at plastic na pambalot o kaya naman ay masking tape. Tupiin mo lang ng tupiin ang mga ito at gumawa ka ng parang banig, at saka mo isalansan. Ayos na, meron ka ng di...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento