Nagtry magonline shopping ng Bag

Mahilig din akong tumingin sa mga online shopping site. Natutuwa kasi ako sa mga picture at mga freebies nila, kaya lang minsan lang ako magorder kasi marami akong nababasang hindi maganda about sa ganito. 

Before sa lazada, nakabili ako ng mga gamit sa bahay. Ok naman ang transaction, very smooth antayin mo na lang na maideliver ang inorder mo. 

Pero ngayon, sa shopee ako nahihilig haha. Araw-araw kasi may daily prizes at sale tulad ng flash deals everyday. Marami ding mga items ang mabibili mo, pero sempre hindi maiwasan na may hindi maganda ang transaction dito. 

Mabuti na lang at sa ilang beses kong pagorder dito online, eh wala naman akong naencounter na problema sa items kapag naideliver na ito. Pero hindi ko pa nasubukan na umorder ng babasagin kasi baka mamaya yan eh durog durog na pagdating sayo. Hindi ko din sinubukan magorder ng damit haha, mahirap na baka hindi magkasya. 

Ito ang latest kong binili sa shopee. Simpleng black tote bag with a sling. I bought it for 345 pesos na lang because of the discount coupon and my coins, kaya kahit pano nabawasan ang prize niya. Simple lang siya, leather at maganda ang quality. Happy happy ako kasi mahilig ako sa bag pero sling bag lang, pero pag lumalabas kasi kami naku di na kasya mga gamit ko especially palagi kasi akong may dalang lemon water, kaya naisip ko magtote bag. Hindi nga lang ako sanay, pero ok lang yan importante may malagyan ako ng mga gamit ko. 






Hindi mamahalin ang mga gamit ko, pero nasa pagiingat naman yan at pagaalaga para tumagal. Katulad na lang ng relasyon, kapag iningatan mo at inalagaan asahan mong hindi ka niyan ipagpapalit sa iba di ba!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

Birthday bash