Hello Feb-Ibig Month

Ano ba yan feb-ibig na pala... 

May mga kavalentino na ba kayo..? 

Dati, nung nasa highschool ako tuwing valentines day, katuwaan na kung sino daw ang unang lalaking makita mo sa umaga ng valentines day yun daw ang magiging kavalentino mo. Kaya si ako naman ay, hindi agad lumalabas ng bahay pag umaga baka kasi kung sino ang makita ko eh haha. 

Pero nakakatuwa tuwing valentines noh, madaming magsing irog na magkasama at sempre bumabaha ng bulaklak. Ako naman, never akong nakatanggap ng bulaklak noon haha, walang nagbibigay eh puro love letter lang. 

Oh siya, habang naghihintay ng valentines day eh kumain muna tayo baka sakaling dumating na si kupido at may panain na para sa atin. 

Dahil malapit na din ang Chinese New Year (pero di ko alam kung kelan talaga eksakto, basta ngayong february din) nagkalat na ang mga tikoy. Pumunta kami ng glorietta kagabi, nanood kami ng sine at kumain lang. At bumili din ako ng hopia ng EngBeeTin, grabe ang sarap niya sobra, pramis.! Lasang lasa mo yung flavor niya. Sana pala, bumili din ako ng ibang flavor hehe. Di bale, next time uli. 

Sa glorietta food court lang ung stall nila, madaling makita. Habang kumakain ka eh, pwede mo din lantakan. Takaw noh!

Kumain ka na lang muna ng sweet para tumamis ng konti ang life mo kahit walang lovelife hahah.!



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat