Magallanes Sorsogon

Magallanes Sorsogon.


Ito ang nakagisnan kong lugar mula ng ako'y isilang sa mundong ito. Ito ay matatagpuan sa dulong bahagi ng Sorsogon City. Mayroon itong sakop na 34 barangays. At dahil malapit ito sa dagat, kaya naman ang karamihan sa hanapbuhay ng mga tao doon ay pangingisda. Some are farmers.



If you're going to Magallanes. Mula dito sa metro manila ay kailangan mong sumakay ng bus sa pasay terminal o sa cubao. Goldline at Elavil bus ang pangunahing masasakyan papunta sa aming probinsiya. If you want to ride an airplane, its ok. Pero hanggang legazpi city lang ito at kailangan mo ding sumakay ng bus at jeep para makarating sa amin. Kaya, I suggest na magbus na lang kayo para diretso ang byahe. Umaabot ng labin limang oras hanggang labinganim ang byahe mula dito. Ngunit kung kayo naman ay nageenjoy sa pagbabyahe ay walang problema dahil masisiyahan kayo sa mga tanawing madadaanan.


Maraming magagandang lugar din ang pwedeng pasyalan dito. Nariyan ang Gibalon kung saan maaari kang mag alay lakad lalo na kung mahal na araw. Ang Sta. Lourdes sa barangay behia kung saan maglalakad ka ng mahigit sa isandaan steps para makarating sa tuktok nito. At pagdating sa tuktok ay makikita mo na ang buong magallanes. Sa bayan mismo ay marami ka ng makikitang mga tindahan ng kung ano anong pwedeng ipasalubong sa iyong pamilya.

sta. lourdes, photo courtesy of motorcyclephilippines.com
                                     


Maaari ka din magswimming sa dagat mismo o kaya sa mga paliguan. Isa na doon ang Bucalbucalan sa barangay Aguada Sur. Napakaganda na ng lugar na iyon mula sa aking pagkakaalala na dating mga bato bato lang. Ngayon ay may dalawang malaking swimming pool na ito kung saan ay maaari kang magpakasawa sa paglangoy sa halagang 20pesos lamang. Ang bata ay 10pesos ang bayad. Ang tinatawag doon mini boracay, ang Parola dahil sa white sand nito at malinaw  na dagat na matatagpuan sa barangay behia. Ang mali-haw, ay maganda din paliguan sa barangay bacalon.

bukal bukalan, taken last April 2015
                             

Ang mga tao naman doon ay mababait. Masaya sila kahit mahirap ang buhay. Mas masaya ang paligid doon kapag may pyesta, dahil karamihan sa ganung panahon nagsisiuwian ang mga kababayang kong nakatira na sa ibat'ibang lugar. Ito ang nagsisilbing reunion ng pamilya, lalo na sa aming lugar. Halos tatlong araw ang pabayle (sayawan), may perya, at may prusisyon sa dagat gamit ang mga bangka. May coronation ng Lady Queen at Baby Queen, pati na ng Mrs. Foundation. (actually naging lady queen din ako nung highschool ako). At ang pinakamasaya sa lahat ay ang kainan, na halos ikaw na ang magsasawa. At halos din ay mangutang ang iba, may maihanda lang. Hindi rin naman magpapahuli ang mga nanay at tatay dahil sila rin ay merong sariling sayawan sa gabi ng kapistahan, Ang barayle kang inagoman. Nakakatuwa itong panoorin dahil makikita mo ang iba't ibang estilo ng kanilang sayaw. 


Its been almost 10 years na akong hindi nakakapyesta doon kaya naman namimis ko ang okasyong ito. Kaya kung ako sa inyo, ay magsipag uwi din sa ating kinagisnang lugar para maalala natin ang ating nakaraan....


I love magallanes...
 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat