Always Camote
Ako ang babaeng mahilig sa camote. Isa ito sa mga paborito kong pagkain. Hindi dahil sa ito ang madalas naming kainin noon kundi dahil talaga namang masarap ang lasa nito. Kahit anong oras ay pwede kang kumain nito. Breakfast, lunch and even dinner, lalo na sa mga nagdidiet katulad ko. Maraming paraan din ang pagluluto nito, nilagang camote, fried o kahit sa isahog sa iba't ibang klaseng mirenda. Masarap din itong ihalo sa mga ulam katulad ng pochero, pakbet at iba pa.
Ang camote ay isang halamang ugat na madaling tumubo kahit saan. Hindi lang ang laman nito ang pwedeng kainin lalo na ang dahon nito na siksik din sa vitamins. Kahit saan ay pwede kang magtanim ng camote basta may lupang pwedeng pagtaniman. Mura din ang halaga nito sa mga pamilihan kaya naman hindi nakakasawang bumili at kumain nito.
nilagang camote for breakfast |
Kaya kung meron kayong kapirasong lupa na bakante, pwede niyo itong taniman ng camote. Kahit sa mga paso ay maari itong tumubo. Maraming pakinabang ang nakukuha natin sa halamang ugat na ito. Kaya dapat natin itong ipagmalaki. Dahil kapag merong halamang ugat na tumutubo sa ating mga bakuran, kailanman ay hindi tayo magugutom.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento