Kaninang umaga, paggising ko nagisip ako ng pwedeng lutuin para sa merinda mamaya.. And then, naalala ko na paborito ko ang puto. Usually doon sa amin ay giniling na bigas talaga ang gamit ng nanay ko para gumawa ng puto. Ang sarap nito dahil kadalasan ay bagong ani ang bigas namin. So dito, dahil walang giniling na bigas kaya all purpose flour na lang ang ginamit ko. After breakfast, ay ready na kong gumawa ng puto para mamaya. Ang kailangan lang ay all purpose flour, sugar, salt, baking powder, evaporated milk at tubig. Paghaluin lang ang lahat ng sangkap at ibuhos sa mga puto molde. Pasingawan ito sa loob ng mahigit labin limang minuto. And after almost thirty minutes na pagluto.... Taraaaa... malaking puto na may cheese maliliit lang May almusal at merinda na kami ngayon at para bukas... Tara, kain muna tayo....
Hello everyone... How's life during this time..? Ako, kami talagang mahirap lalo na takot lalo na pag lumalabas, pero kelangan natin lumabas para bumili ng makakain at kung ano pa. Kelangan na lang natin magingat palagi, hindi lang doble dobleng ingat kundi triple pa o lahat lahat na, para sa pamilya natin. Matagal akong hindi nagblog dito, nawalan ako ng gana I admit, hindi ko alam kung ano ang isusulat ko parang wala naman ako maiseshare na maganda, wala din naman nagbabasa nito. Wala akong focus at lalong wala akong inspirasyon na magsulat ba. Kasi everytime na nasa harap na ko ng lappy ko blangko na di ko na magalaw mga daliri ko para magtype at parang hindi gumagana ang utak ko huhu. Actually ngayon ko lang naman nabuksan itong blog ko after ko sumabay magrosary sa fb, eh naisipan kong buksan at parang gusto ko uli magblog ng kung ano ano lang. Sana lang may magbasa pa nito para naman ganahan ako magkwento. Gusto ko din pala palitan ang blog title nito ng "MissPromdi...
Marami ba kayong magazines sa bahay nyo na nakakalat lang at hindi ginagamit.? Bakit hindi kaya natin gawin kapaki-pakinabang ang mga ito para mabawasan ang mga kalat.? Ano-ano ba ang pwedeng gawin sa mga magazine? Una na jan, pwede nating gawing mga pandisplay sa ating mga bahay. Pwede nating gawing bag, na ginagamit sa palengke. May eco-friendly bag pa tayo at bawas sa plastic. Marami tayong pwedeng gawin sa mga ito, ang kailangan lang ay malikhaing pagiisip, pasensiya at tiyaga sa paggawa. Pero ang isa sa mga pinakamadaling gawin dito ay placemat. Yung patungan natin ng mga plato kapag kumakain tayo sa mesa. Kesa bumili tayo ng mga ganito, na hindi din naman mga mura eh gumawa na lang tayo. Simple lang ang mga kailangan natin para makagawa tayo ng placemat. Magazine lang at plastic na pambalot o kaya naman ay masking tape. Tupiin mo lang ng tupiin ang mga ito at gumawa ka ng parang banig, at saka mo isalansan. Ayos na, meron ka ng di...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento