Happy Birthday Papa

Its my father 59th birthday. I just send them money to buy some pancit para naman may pangmerinda sila dun sa probinsya. Sigurado akong hindi mawawala ang inuman doon lalo na ngayon pa natapat ang laban ni Pacquio kay Bradley. Ganun sa aming probinsya, kapag may okasyon ay hindi nawawala ang tagay para naman masaya sila at yun na lang ang kanilang libangan pagkatapos ng kanilang mga trabaho. At sempre may kantahan din. At eto pa, naghanap daw ng cake si boboy (ang pamangkin kong pasaway) nung walang makitang cake ay nagalburuto kaya ayun silang dalawa ng nanay niya pumunta ng bayan para lang bumili ng cake. And take note, kulay pink pa ang nabili hahaha. 



ang pink na cake ni papa



Pagdating pa lang ay hindi na pinatagal ng magtita, pinapak na agad oh. Hindi man lang namigay hehehe. 



                                   


Ang mother ko nauna ng kumanta hehe, hindi magpapatalo sa kantahan ang isa dyan. 






Masaya naman ang birthday celebration ng aking papa kahit konting pamerinda lang ay ayos na. Basta hindi mawala ang tagay hahaha, kasama ng kanyang mga kaibigan. Yan ang mga magulang ko kahit walang pera ay mayaman naman sa kaibigan. 



ang ganda ng ngiti ng papa namin oh 


Happy Birthday Papa. Wish you more birthdays and good health sainyo ni mama. Love love 





P.S. Gumawa ako ng yema cake today, para mirenda din namin pero tomorrow ko na lang ipost...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat