Missing Westlife

These past few days, naging habit ko ang manood ng concert ng paborito kong boyband when I was in college. Sila lang ang pinapanood ko sa myx noon. Parang hindi kumpleto ang araw ko nun ng hindi ko mapanood ang kanilang mga music videos. Ang ganda ng mga boses nila at higit sa lahat ay lahat sila mga gwapo. Pero super crush ko nun si Mark Feehily, gustong gusto ko siya kahit na imposible talaga. Kaya lang hindi ko alam noon, eh bading pala siya. How sad naman at nakakapanghinayang. Hindi ko talaga matanggap na bading siya. Nakakainis.. 




Ang miyembo ng Westlife from left to right: Mark Feehily, Kian Egan, Nicky Byrne, Shane Filan at si Bryan Mcfadden. Nakakalungkot din na nung 2004 ay umalis na si Bryan kaya silang apat na lang ang natira. At nung 2012 ay tuluyan na silang nabuwag.  Pero ganun pa man, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanila. Charoot....


Ito ang ilan sa mga paborito kong kanta ng Westlife: My love, I lay my love on you, Swear it again, Fool again, Flying without Wings, Soledad, Uptown girl, What makes a man, Beautiful in White, You raise me up, Bop bop baby, at marami pang iba. Para mas maiksi ay ito na lang, lahat ng kanta nila ay gusto ko at namimis ko na ang Westlife. 


Kaya nitong mga nakaraang araw, eh wala akong ginawa kundi manood sa youtube ng kanilang mga past concert. Pamparelax ito sakin ngayong masyadong mainit ang panahon. Sana lang ay magkaroon ng pagkakataon na magreunion sila for the sake of their fans na hanggang ngayon ay nagmamahal pa din sa kanila. 




Ito ung concert nila sa manchester arena nung 2003. Haay, grabeeee ang gwapo talaga nila. 


MISS YOU WESTLIFE

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

Birthday bash