Ice Candy Pa More

Suuuper duper init na ngayon. Halos mapapaso na ang balat ko pag lumalabas ako ng bahay. Nakakauhaw din kaya oras oras ang inom ng malamig na tubig. Mainit din ang buga ng hangin sa electric fan. Gabi lang kami gumagamit ng aircon dahil mahal din ang kuryente. At higit sa lahat pag naliligo ka sa banyo pinagpapawisan ka pa din. Haiiist. Nakakainis ang ganitong pakiramdam, wala ka ng magawa ng maayos. Ano nga ba ang magagawa natin kundi magtiis na lang at ganito talaga ang panahon sa ating bansa. Ito na lang ang mga dapat nating gawin para maiwasan natin ang mga sakit ngayon taginit. 


Una. Uminom ng maraming tubig para hindi tayo madehydrate. Huwag inom ng inom ng kape dahil mas lalo nitong paiinitin ang pakiramdam natin. 

Pangalawa. Huwag ng lumabas ng bahay kung maglalakwatsa ka lang para hindi k magkabungang araw di ba. Kaya yung mga gala dyan magstay muna sa bahay kahit ngayon summer lang. Bawi na lang sa susunod. 

Pangatlo. Magsuot lang ng mga preskong damit. Ok lang ngayong ang mga hanging blouse dahil summer naman pero sana ay wag naman yung kita na ang kaluluwa niyo ha. Mas lalong maiinitan niyan ang makakakita sainyo. 

At higit sa lahat ok lang magpakasawa ngayon sa mga malalamig na pagkain tulad ng icecream, halohalo, mga fruit shake at kung ano ano pa. Pero ingat lang po sa may mga diabetes dyan at baka mapasobra mas delikado. 


Nasa satin na ang mga paraan kung papanong maiwasan kahit konti ang nararamdaman nating init. Ako, eto ang isa sa paraan na ginagawa ko. Ang gumawa ng icecandy para may pinapapak kami kahit anong oras. Yung nauna kong ginawa ay mango flavor, ngayon naman ay cocoa flavor with milk. 

Eto lang ang mga kailangan: 
     1/4 cup cocoa powder 
     1 cup sugar
     1/2 cup evaporated milk
     6 cups water 
     1/4 cup yabu
     ice candy wrapper

     Procedure: Tunawin ang yabu sa konting tubig. Pakuluan ang 4 na tasang tubig at ihalo ang tinunaw na yabu. Kelangan haluin para hindi magdikit dikit. Idagdag ang tinunaw na cocoa, next ang gatas at asukal. (You can add more sugar if you want). Kapag malamig na ibalot na sa ice candy wrapper. 





Nakagawa din ako ng mahigit sa 30 piraso. Patigasin lang sa refrigerator at makalipas ang ilang oras ay may ice candy ka ng pampalamig na sariling gawa pa kaya siguradong malinis. Mabenta ito lalo na sa mga bata dahil bukod sa masarap na ay mura pa. Naisip ko ngang magbenta dito sa bahay namin eh, kaya lang wala naman masyadong bata dito. Kaya eto magpapakasawa na naman kami sa pagkain nito. Dahil sa init ng panahon ay nakakaubos ako nito ng 4 sa isang araw. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Puto na may cheese

Hello everyone, It's me again.!

DIY Placemat