Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2018

Pasalubong from Bicol

Imahe
Palagi ako bumibili ng honey sa palengke kaya naisipan ko na lang na magpabili sa bikol. At tiyempo naman may nagbebenta sa nanay ko ng pulot galing bundok. Sana nga ay pure pa rin talaga ang binebenta niya.  Dati nung bata ako, nung sa bundok pa kami nakatira minsan nakakakuha ang tatay ko ng honey, kaya pinapapak agad namin iyon kasi ang sarap talaga niya. Sinisipsip namin ung bahay niya, wala ng mga bee pero minsan may mga itlog pa.  Ayun nga palagi akong bumibili 150 pesos sa palengke, pero hindi ko naman sure kung pure talaga kahit na nakalagay sa bote niya na pure honey sempre hindi pa din ako sigurado. At hindi mawawala ang paborito kong pili.  Ito na ung padala from bicol, kinuha ko lang siya sa terminal ng bus kaninang umaga. Gusto ko sana ung fresh na pili para may lantahon ako eh, ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng lantang pili. Pero wala eh walang aakyat kaya ito na lang pili candy.  Ito naman yung binibili ko sa palengke na...

Pagkakitaan natin ang resibo

Imahe
A few months ago, nabasa ko sa fb ung mga online jobs, na pwede mo pagkakitaan at isa sa nagkainteres ako ay yung Snapcart, na kung saan ang mga resibo mo ay may cashback. Sino ba ang hihindi dito di ba?. Kasi imbis na itapon ng itapon lang ang mga resibo, mas maganda na pagkakitaan ito.  So, niresearch ko ang about sa Snapcart na ito., at madali lang pala magsignup. Kelangan mo lang idownload ang apps nila, ang then magsign up ka na. Pwede ka ng magstart magsnap ng mga reciept. Sa ngayon eh, ung mga receipt mula sa Grocery, Cosmetics, Pharmacy at Fresh Food ang tinatanggap nila. Katulad ng mga receipt mula sa Hypermarket, Supermarket, Minimarket, Cash and Carry, Convenience Store, Drug Store, Cosmetic store, Baby Milk Store and other stores with legal cash register. Hindi nila tinatanggap ung mga receipt na galing sa Restaurant, Gas Station, Bookstore, ATM, Parking, Beauty Salon, Online Stores, Ticket Machine, at ung mga sa Furniture at Tools Store. (sayang sana lahat ng ...

Lipat blog here

Hi everyone.  Ililipat ko na dito ung blog ko sa isa ko pang blog na madshomemadegoodies.blogspot.com (ang gulo noh haha), para isahan na lang. Idedelete ko na kasi yun, sayang naman ung mga post kaya ilipat na lang dito. Sana po basahin nyo po ulit.. Pleaseeeeee...  See you dito sa new blog ko po....

Homebase online jobs, matry nga.!

I wanna share with  you all my sideline online jobs. Bukod sa aking maliit na business ay may sideline din ako online, habang walang order at para pakinabangan naman ang internet ko. Ito ang ilan sa mga online ko, pwedeng pwede mo siya gawin kahit nagtetext ka pa, nanonood ng tv, nagbabasa ng pocketbooks o kahit pa kumakain.. 1. Coins.ph: everytime na may marefer ka o may magsign up sa link mo, makakareceive kayo pareho ng 50 pesos kapag nagverify siya ng id. Pag bumili ka ng load may 10% back and everytime na magbayad ka ng bills you can earn 5 pesos. Kaya kung masipag ka magrefer, naku siguradong kikita ka talaga. You can cashout your money Cebuanna Lhuiller, Security Bank or in GCash. If interested kayo, or gusto niyo itry you can sign up po sa coins.ph and use my code:   https://coins.ph/invite/mmueou 2. Planpromatrix (PPM): dito naman may registration fee na 600 pesos, at marami ka naman ways of earnings tulad ng referral (malaki ang kita kapag masipag ka m...

Pocketbooks and Me

Imahe
Sino sa inyo dito ang nagbabasa ng pocketbooks...? Taas kamay, hahaha joke lang! Ako, super love ko ang magbasa ng pocketbooks. Nagumpisa yata ako magbasa nito nung highschool lang ako eh, lagi akong nanghihiram sa mga kaklase ko. Kaya lang minsan ang masama, eh nahuhuli kami ng teacher namin noon kaya napapagalitan kami dahil bad yun noh, ang magbasa sa classroom. Gustong gusto ko ang mga story kasi pakiramdam ko eh ako yung bida dun. Hopeless romantic nga ako eh, puro crush crush lang naman ako.  Nung nagcollege na ko, tinigil ko muna magbasa. Eh wala na ko mahiraman.  Pero ngayon, eh ang dami ko ng pocketbooks. Hindi na ko nanghihiram ha, binibili ko na. San ko binili...? Sa palengke ng pasig, kapag may binibili ako dun sinasama ko na sa budget ko ang pocketbooks haha. Ayaw ko kasing rumenta kasi ibabalik mo din sa kanila. At least yung bili, eh sayo na. Kaya lang po sa dami ng pocketbooks ko eh, at halos sa isang pocketbooks eh mga lampas sampung beses ko ng b...

Magluto na lang tayo ng may gata!

Imahe
Dahil bikolana ako, favorite ko din talaga ang mga lutong may gata. Ang sarap kaya, malasa at malinamnam pa. Sa probinsya, ang sarap ng mga gulay lalo na ung langka, naku! hindi katulad ng langka dito sa siyudad na matigas.  Nagluto pala ako ng may gata nung isang araw. Super simpleng ulam lang siya, pero masarap. Nakatikim na ba kayo ng ginataang repolyo.? Kung hindi pa, baka gusto niyo subukan. Naku, di kayo magsisisi, pramis..! Here's what you need:  repolyo (mga 25 to 30 pesos ang price niya) tinapa (25 pesos only) gata (25 pesos only) onion, garlic,  salt and pepper, and sili pag gusto niyo ng maanghang.  *Saute onion and garlic until translucent. Then add the tinapa, and cook na medyo toasted. Add the gata then let it boil. Then add the repolyo and season with salt and pepper. Tadaaa, ang bilis lang di bah! In less than 15 minutes may masarap ka ng ulam.  Another gata dish is ginataang tahong at halaan (sa amin ang tawag s...

Sorry po,

Imahe
I had many kasalanan today. The other day, I broke my blender. As in basag siya, guys..! Wala pang one year yung blender ko eh, mahilig kasi kaming magblender ng mga fruits and veggies for merienda. Nakapag blend naman na ko kahapon bago nabasag. Hinuhugasan ko na siya at natumba sa lababo, ayunnn napiraso ang lola niyo. Haissst, engot ko talaga. Mabuti na lang may nabibiling jar lang nito, kung hindi naku kelangan ko ng mga 2thou plus para makabili ng bago.  Kahapon naman, alam niyo ba kung ano naman ang nabasag ko..???? Yung dining table lang naman....Kasi napatungan ko ng mainit na kawali. As in, hindi ko pa napansin na basag na pala siya, until nung nagpupunas ako ng mesa. Shukkks, lagot talaga ako nito!!! Kaya pala habang nagluluto ako, may narinig akong nagcrack pero di ko naman alam kung saan galing, ayun pagtanggal ko ng kawali may crack ang mesa ko, huhuhu. Nawala sa isip ko na mainit pa ang kawali bago ko pinatong. Nagvideos kasi ako ng recipe para may maupload ko sa...

Summer na naman

Imahe
Ramdam nyo na ba ang init, mga bes? Kahit hindi pa dinedeclare ng pagasa ang official summer time, ay naku grabe na ang init noh! Yung tipong, magigising ka ng maaga dahil pawisan ka na, at pumapasok na ang haring araw sa bintana, tapos magkakape ka pa.! Haiiistttt....  Lalo na dito sa siyudad, ramdam na ramdam ko na ang init factor to the point na gusto mo na lang magkulong sa aircon, ang problema naman patay tayo niyan sa meralco baka mamulubi tayo kakabayad ng kuryente..! Paglabas ko ng banyo, gusto mo na ulit magbabad sa tubig. Dito pa naman sa bahay namin, mainit din ang tubig na lumalabas sa gripo kapag tanghaling tapat. Sa probinsya, mainit na din pero hindi ganito dito sa siyudad. Doon kasi marami pang puno, at pwede kang maligo sa dagat anytime o kaya naman sa bukalbukalan. Malamig din ang tubig doon dahil galing sa  bukal.  Imbis na problemahin natin ang init, dahil wala naman tayong magagawa diyan. (Wish na lang natin na magkasnow din dito sa lugar...

I donated my long hair

Imahe
For almost 3 years, hindi ako nagpagupit ng hair. Mas gusto ko kasi talaga ang mahabang buhok, kaya lang magastos naman sa shampoo at conditioner.  Last January, napanood ko sa Salamat Dok ang hair donation. Kaya I decided to cut my hair para idonate, para kahit papano makatulong naman ako sa mga taong may problema sa buhok. Hindi man ako makabigay ng malaking halaga o ng pera, kahit sa munting paraan nakatulong naman ako sa pamamagitan ng aking buhok.  Mabuti na lang at kahit noon pa ay hindi ako nagpapatreatment ng hair sa salon. Natural treatment lang ang ginagawa ko, kapag magluluto ako ng ulam na may gata nagtitira ako ng gata para mailagay ko sa buhok ko, may instant conditioner na ako. At minsan, mayonnaise naman, totoo ito, promise! Before ka maligo, magapply ka ng mayonnaise sa buhok mo at ibabad ito ng mga 15 mins then maligo ka na, in fairness sobrang soft ang shiny ang hair mo.  At super happy ako kasi approve ang hair ko para gawing wig. I donate...

Binut-ong/Binutong Recipe

Imahe
Ang binutong o binut-ong ay isang kakanin na very famous sa aming probinsya. Dapat kapag nagbakasyon ka dun siguruhin mong matitikman mo ito, para hindi mo makalimutan. Marami kaming mga pagkain na siguradong kapag inyong natikman ay hanap hanapin nyo. Nandiyan ang pili, na super sarap at kapag umuuwi ako eh talagang hindi ko pinapalampas na hindi kumain. Ang lumbod na susungkitin lang kapag gustong kumain. Mga kakanin katulad ng  puto lanson, suman, ibos at nilusak at marami pang iba.  At dahil namiss ko kumain ng binut-ong nagluto na lang ako. Sarap na sarap ako nito kapag nagluluto noon ang nanay ko para merienda namin pati na almusal. Super simpleng pagkain lang pero super sarap.  Here's the ingredients on how to make binutong: 1/2 kilo malagkit/glutinous rice 2 1/2 cups gata/coconut cream (or pwede nyo dagdagan if gusto niyo creamy) 1/4 tsp salt 10-12 pcs coconut leaves (sa probinsya ang gamit namin yung batang dahon na may stem pa, yung nakapulupo...

Nagtry magonline shopping ng Bag

Imahe
Mahilig din akong tumingin sa mga online shopping site. Natutuwa kasi ako sa mga picture at mga freebies nila, kaya lang minsan lang ako magorder kasi marami akong nababasang hindi maganda about sa ganito.  Before sa lazada, nakabili ako ng mga gamit sa bahay. Ok naman ang transaction, very smooth antayin mo na lang na maideliver ang inorder mo.  Pero ngayon, sa shopee ako nahihilig haha. Araw-araw kasi may daily prizes at sale tulad ng flash deals everyday. Marami ding mga items ang mabibili mo, pero sempre hindi maiwasan na may hindi maganda ang transaction dito.  Mabuti na lang at sa ilang beses kong pagorder dito online, eh wala naman akong naencounter na problema sa items kapag naideliver na ito. Pero hindi ko pa nasubukan na umorder ng babasagin kasi baka mamaya yan eh durog durog na pagdating sayo. Hindi ko din sinubukan magorder ng damit haha, mahirap na baka hindi magkasya.  Ito ang latest kong binili sa shopee. Simpleng black tote bag with ...
HAPPY VALENTINE'S DAY TO ALL...  💘💘💘 From your Lady bicolana!

Hangover for Christmas

Imahe
Haiiissst...! May hangover pa ko ng christmas hahaha. Ang bilis lang ng panahon noh! Malapit nanaman ang pasko.....  Anyway, meron pa akong mga tirang pangsalad nung pasko, kaya bago pa maexpire ang mga all purpose cream eh gamitin na natin para di masayang. Bumili na lang ako ng ibang sahog para may salad na ako. Ang ginawa kong salad ay macaroni fruit salad, ito yung salad na ginagawa ng asawa ng kapatid ko sa valenzuela at in fairness ha, masarap siya at di nakakaumay.  Here's what you need:  macaroni salad (pakuluan and drained) all purpose cream condensed milk mayonnaise fruit cocktail kaong nata de coco  cheese *You just had to combine everything in a big bowl, and mix but not too pressure para di madurog ang macaroni. Yung tamang mix lang, and chill in the refrigerator. Tadaaaaa,,,  It feels like its christmas time again. Kasi kapag christmas hindi ka naman nakakakain ng maayos dahil masyadong busy at minsa...

Hello Feb-Ibig Month

Imahe
Ano ba yan feb-ibig na pala...  May mga kavalentino na ba kayo..?  Dati, nung nasa highschool ako tuwing valentines day, katuwaan na kung sino daw ang unang lalaking makita mo sa umaga ng valentines day yun daw ang magiging kavalentino mo. Kaya si ako naman ay, hindi agad lumalabas ng bahay pag umaga baka kasi kung sino ang makita ko eh haha.  Pero nakakatuwa tuwing valentines noh, madaming magsing irog na magkasama at sempre bumabaha ng bulaklak. Ako naman, never akong nakatanggap ng bulaklak noon haha, walang nagbibigay eh puro love letter lang.  Oh siya, habang naghihintay ng valentines day eh kumain muna tayo baka sakaling dumating na si kupido at may panain na para sa atin.  Dahil malapit na din ang Chinese New Year (pero di ko alam kung kelan talaga eksakto, basta ngayong february din) nagkalat na ang mga tikoy. Pumunta kami ng glorietta kagabi, nanood kami ng sine at kumain lang. At bumili din ako ng hopia ng EngBeeTin, grabe ang sara...

Please be safe mga kababayan

Imahe
Halos ilang araw na din nagaalburuto ang Bulkang Mayon sa aming probinsya.  Ang bulkang mayon ay isa sa mga pinakamagandang bulkan sa buong mundo. Dahil sa perpektong hugis cone nito na lalong nagpapamangha sa mga turista. Maraming mga tao ang ninais na makapunta sa bulkan at makita ang perpektong hugis nito. May kasabihan pa nga, na kapag pumunta kayo doon at nagpakita ang bulkan ay swerte daw. May mga panahon naman na natatabunan ng ulap ang bulkan, ang sabi daw ay yun ang mga pagkakataon na hinahalikan ni Panganoron si Daragang Magayon. Kapag umuulan naman at masuyo itong dumadaloy sa libis, ito daw ay ang mga luha ni Panganoron. Pero kapag ito ay nagaalburuto ito daw si Patuga na hinahamon si Panganoron.  Marami mang mga version ang alamat ng bulkan, hindi nito maitatanggi na hanggang ngayon ay nabibighani pa din ang mga tao sa kanya.  Ngunit sa ilang araw nitong pagaalburuto, ay hindi maikakailang marami ang nagandahan dito kahit na bumubuga na ng apoy a...

DIY Placemat

Imahe
Marami ba kayong magazines sa bahay nyo na nakakalat lang at hindi ginagamit.? Bakit hindi kaya natin gawin kapaki-pakinabang ang mga ito para mabawasan ang mga kalat.?  Ano-ano ba ang pwedeng gawin sa mga magazine?  Una na jan, pwede nating gawing mga pandisplay sa ating mga bahay. Pwede nating gawing bag, na ginagamit sa palengke. May eco-friendly bag pa tayo at bawas sa plastic. Marami tayong pwedeng gawin sa mga ito, ang kailangan lang ay malikhaing pagiisip, pasensiya at tiyaga sa paggawa.  Pero ang isa sa mga pinakamadaling gawin dito ay placemat. Yung patungan natin ng mga plato kapag kumakain tayo sa mesa. Kesa bumili tayo ng mga ganito, na hindi din naman mga mura eh gumawa na lang tayo. Simple lang ang mga kailangan natin para makagawa tayo ng placemat. Magazine lang at plastic na pambalot o kaya  naman ay masking tape.  Tupiin mo lang ng tupiin ang mga ito at gumawa ka ng parang banig, at saka mo isalansan. Ayos na, meron ka ng di...

Hello..... I'm Back!!!

Did you miss me...? Namiss nyo ba ako...?  Halos one year akong hindi nagsulat noh.? Nawalan ng gana lang, at medyo naging busy.. But anyway, here I am again.. Trying to be a writer someday.. Ano na ba ang mga chika ngayon..? Hayaan nyo, magiging active na ako sa blogging world this time.. Ito na ang bago kong career hahaha, sana magtagumpay ako dito.. Wish me luck mga besh...! O, ito muna ang chika ko ha. Antok na si ako eh, bukas na lang....