Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

Mirenda all you can

Imahe
Nahihirapan ba kayo kung ano ang ipapapmerienda sa mga junakis nyo araw araw?  Hindi naman pwedeng palaging tinapay na lang di ba? Kelangan din naman sempreng, may kakaibang putahe tayong hinahanda para hindi naman sila magsawa.  Ito ang ilan sa mga niluto kong merienda nitong mga nakaraang araw. O di ba, puro kakanin at talagang mabubusog kayo. At isa pa, alam mong malinis dahil ako mismo ang nagluto.  O, ha!  Busog na naman kami nito. At minsan dahil sa kabusugan, hindi na nakakain ng dinner. Nakatipid ako hahah... kutsinta with cheese Biko with cheese Tuna Carbonara Steamed Egg Cakes Steamed Banana Muffin with chocolate syrup on top Steamed banana muffin

Memories of a Childhood

Imahe
This is one of my memories when I was a child. Ang umakyat sa puno ng makopa sa bundok. O, ang tawag sa amin ay "tambis". Lalo na kapag panahon ang prutas na ito ay hindi namin pinapalampas na umakyat para lang makakain nito. Marami ito sa bundok noon. Masarap at matamis ang bungang ito noon. Kaya naman ng may makita ako sa palengke nito noong nakaraang araw ay agad akong bumili para makakain uli nito. Kaya lang, bakit ganun, matabang at di na masarap. Hmp, siguro dahil na din sa paglipas ng panahon ay nagagamitan na ito ng mga ibat ibang fertilizer kaya nagiiba ang lasa.  Tambis, makopa O, sino din sa inyo ang nakakakain nito nung kabataan nyo?  Huwag niyong sabihin hindi, dahil naku hindi ako maniniwala sa inyo noh.! Lahat tayo, nakakain nito kahit hanggang ngayon kapag may nakita tayo sa palengke eh talagang bibili tayo para matikman. Lalo na kung hindi kayo pamilyar.  Makapunta nga ng palengke bukas, bibili uli ako hehehe. Bitin kaya yan sak...

Pininyahang Manok Recipe

Imahe
I am not a professional chef but I can cook anything. I just learned it through watching a cooking show in a television like masterchef, reading a cookbook I always bought in a store and searching in the internet to find some interesting recipe. I also begin to start my baking skills but unfortunately I don't have oven (to follow pa, sana). Everytime I cooked, I want it to be perfect and delicious para naman masarapan ang mga kakain. Kahit na hindi bongga ang mga niluluto ko ay masarap naman.  Before, I don't even know how to cooked but through learning process I learned a lot. And now, I can say that magaling na ako magluto ng kahit ano. Pero mas maraming mas magagaling pa sa akin. And now I can share you guys, my pininyahang manok. A very common dish dahil madaling iluto at mura lang ang mga ingredients. Masarap itong iulam sa kanin kahit anong oras o kaya ay gawing pulutan at papakin. Parepareho lang ang mga ingredients nito kaya depende na lang sa mga titikim kung al...

Missing Westlife

Imahe
These past few days, naging habit ko ang manood ng concert ng paborito kong boyband when I was in college. Sila lang ang pinapanood ko sa myx noon. Parang hindi kumpleto ang araw ko nun ng hindi ko mapanood ang kanilang mga music videos. Ang ganda ng mga boses nila at higit sa lahat ay lahat sila mga gwapo. Pero super crush ko nun si Mark Feehily, gustong gusto ko siya kahit na imposible talaga. Kaya lang hindi ko alam noon, eh bading pala siya. How sad naman at nakakapanghinayang. Hindi ko talaga matanggap na bading siya. Nakakainis..  Ang miyembo ng Westlife from left to right: Mark Feehily, Kian Egan, Nicky Byrne, Shane Filan at si Bryan Mcfadden. Nakakalungkot din na nung 2004 ay umalis na si Bryan kaya silang apat na lang ang natira. At nung 2012 ay tuluyan na silang nabuwag.  Pero ganun pa man, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanila. Charoot.... Ito ang ilan sa mga paborito kong kanta ng Westlife: My love, I lay my love on you, Swear it again, Fool ag...

Ice Candy Pa More

Imahe
Suuuper duper init na ngayon. Halos mapapaso na ang balat ko pag lumalabas ako ng bahay. Nakakauhaw din kaya oras oras ang inom ng malamig na tubig. Mainit din ang buga ng hangin sa electric fan. Gabi lang kami gumagamit ng aircon dahil mahal din ang kuryente. At higit sa lahat pag naliligo ka sa banyo pinagpapawisan ka pa din. Haiiist. Nakakainis ang ganitong pakiramdam, wala ka ng magawa ng maayos. Ano nga ba ang magagawa natin kundi magtiis na lang at ganito talaga ang panahon sa ating bansa. Ito na lang ang mga dapat nating gawin para maiwasan natin ang mga sakit ngayon taginit.  Una. Uminom ng maraming tubig para hindi tayo madehydrate. Huwag inom ng inom ng kape dahil mas lalo nitong paiinitin ang pakiramdam natin.  Pangalawa. Huwag ng lumabas ng bahay kung maglalakwatsa ka lang para hindi k magkabungang araw di ba. Kaya yung mga gala dyan magstay muna sa bahay kahit ngayon summer lang. Bawi na lang sa susunod.  Pangatlo. Magsuot lang ng mga preskong ...

Homemade Yema Cake

Imahe
Yesterday, I try to make yema cake. I am not an expert in baking (actually sinisimulan ko pa  lang gawin ang pinagaralan ko noon sa negoskwela) kaya lagi akong nagpapractice ng baking. But sad to say, mahirap kasi wala pa akong oven. Kaya kahit wala pa akong gamit ay hindi ito hadlang para hindi ko magawa ang gusto kong gawin.  Anyway, as usual sa rice cooker ko naman niluto ang yema cake. Ok naman ang pagkaluto ngunit hindi lang siya masyadong ngexpand kaya siksik ang laman ng cake ko.   Here's the ingredients.       3 cups all purpose flour      1 cup sugar (1 cup lang nilagay ko para hindi masyado matamis)      1 tbsp baking powder      1/2 dry milk       1 1/4 cups water      1 1/2 tsp vanilla      1/2 cup butter       3 eggs       For yema:      2 eggyolk      1 condens...

Happy Birthday Papa

Imahe
Its my father 59th birthday. I just send them money to buy some pancit para naman may pangmerinda sila dun sa probinsya. Sigurado akong hindi mawawala ang inuman doon lalo na ngayon pa natapat ang laban ni Pacquio kay Bradley. Ganun sa aming probinsya, kapag may okasyon ay hindi nawawala ang tagay para naman masaya sila at yun na lang ang kanilang libangan pagkatapos ng kanilang mga trabaho. At sempre may kantahan din. At eto pa, naghanap daw ng cake si boboy (ang pamangkin kong pasaway) nung walang makitang cake ay nagalburuto kaya ayun silang dalawa ng nanay niya pumunta ng bayan para lang bumili ng cake. And take note, kulay pink pa ang nabili hahaha.  ang pink na cake ni papa Pagdating pa lang ay hindi na pinatagal ng magtita, pinapak na agad oh. Hindi man lang namigay hehehe.                                      Ang mother ko nauna ng kumanta hehe, hind...

Always Camote

Imahe
Ako ang babaeng mahilig sa camote. Isa ito sa mga paborito kong pagkain. Hindi dahil sa ito ang madalas naming kainin noon kundi dahil talaga namang masarap ang lasa nito. Kahit anong oras ay pwede kang kumain nito. Breakfast, lunch and even dinner, lalo na sa mga nagdidiet katulad ko. Maraming paraan din ang pagluluto nito, nilagang camote, fried o kahit sa isahog sa iba't ibang klaseng mirenda. Masarap din itong ihalo sa mga ulam katulad ng pochero, pakbet at iba pa.  Ang camote ay isang halamang ugat na madaling tumubo kahit saan. Hindi lang ang laman nito ang pwedeng kainin lalo na ang dahon nito na siksik din sa vitamins. Kahit saan ay pwede kang magtanim ng camote basta may lupang pwedeng pagtaniman. Mura din ang halaga nito sa  mga pamilihan kaya naman hindi nakakasawang bumili at kumain nito.  nilagang camote for breakfast  Kaya kung meron kayong kapirasong lupa na bakante, pwede niyo itong taniman ng camote. Kahit sa mga paso ay maari itong ...

Turon Turon kayo dyan

Imahe
Naiinis ako, hindi ko nasave ang picture ng bicol express ng niluto ko kagabi. Hindi ko tuloy mapost dito dahil walang picture. Hayyys, kainis talaga.  Anyway, ito na lang turon. My favorite mirenda of all time. Basta may saging gusto ko, kahit anong luto. Nilaga, prito, maruya, pinakro at kung ano ano pa. Everytime, I go to market I did not forget to buy some banana. Madali kasi makabusog ang prutas na ito. At kung kayo ay nagdidiet ay perfect food itong saging. Kahapon nga, ay gumawa ako ng turon for our mirenda.  Bumili ako ng 5 pcs na saging na saba at sampung pirasong lumpia wrapper. Iprito lang sa mantika at meron ka ng isang masarap na mirenda na siguradong magugustuhan ng kahit sino. Mas masarap din ito kapag may langka.  with chocolate syrup

Kolinjoy 15th Birthday

Imahe
My sister 15th Birthday.... Watching movie Batman vs Superman at Glorietta 4 and dinner at House of Minis restaurant solved na ang bithday celebration... .

April Fools Day

What is April Fools Day all about? Isa iyan sa mga tanong na hinahanapan ko ng sagot kasi hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.? Every year they celebrated April fools day pero nagtataka ako na hindi naman ito legal holiday. Marami ang nambibiktima at nabibiktima tuwing sumasapit ang araw na ito.  Kaya imbis na pasakitin ko ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ito. Hinanap ko kaya ito sa google at ito ang nalaman ko.  April fools day is celebrated every year on April 1 by playing practical jokes and spreading hoaxes. The jokes and their victims are called April fool. And they expose their jokes by shouting April Fools. So in short, katuwaan lang talaga at hindi seryosohan. Ang mapikon talo.  Alam nyo bang nanalo ako sa lotto.?  Grabee, mayaman na ako.. Gusto niyo ng balato..?  HAPPY APRIL FOOLS DAY EVERYONE            

Afternoon Snack

Imahe
Its a sunny day. I usually don't go out in the house these past few days because its really hot. Summer na talaga. At dahil mainit ay nakagugutom din ang tumambay sa loob lang ng bahay. Ang hirap naman kumain ng kumain because I want to lose weight. Naisip kong gumawa ng pilipit (bitsu bitsu) since its already months ng unang gumawa ako noon. Kaya lang medyo palpak kaya hindi ko pinost hehe. At matakaw ako, nagprito din ako ng paborito kong camote.  Anyway, sa bicol ang tawag dito ay biniribid. Dito sa manila kung ano ano ang tawag dito pilipit, bitsu bitsu, pretzel, or twisted bread. Usually, they rolled it in sugar glaze, but I prefer to roll it in milk powder and sugar so that it is not really sweet. Its really delicious and it is a common merienda here in the Philippines.  The fried camote (fried sweet potato) is also called camote cue. But you can see in my picture that there's no stick. Favorite merienda ng mga nagdidiet, like me. Sometimes, I pref...

Bihon Bihon din pag may time

Imahe
Ilang araw na akong naghahanap ng pancit, para akong buntis na naglilihi. Kaya naman naisipan kong magluto ng pancit bihon. Pagkatapos kong kumain nito, haay hayahay ang buhay. Ito lang ang mga simpleng ingredients sa niluto kong bihon.  Eto lang ang simpleng ingredients sa nilutong kong bihon.       1 pack 500 grams bihon      1/4 atay at balunbalunan (favorite ko kasi yan)      1 pack chicken balls      2 carrots      1/2 cabbage      1 chinese chorizo      1/4 kl. baguio beans      1 cup sitsaro      1 chiken knorr cubes (wala sa picture hehe)      2 tbsp soysauce      salt & pepper to taste      onion and garlic      4 cups water        * Saute onion and garlic till translucent then add the atay and balunbalunan. ...

Happy 1st Birthday

Imahe
Happy Easter Sunday..! HAPPY 1st BIRTHDAY to my pamangkin and my inaanak Justine Ray..! Anak ito ng aking bunsong kapatid na lalaki. At dahil sa Valenzuela sila nakatira ay go kami dahil ako ang nakatoka magbigay ng cake. In fairness, kami lang ang bisita ng aking cute na pamangkin. At syempre ang mga pinsan niyang doon din nakatira.  Kahit simpleng handa, ay nairaos ang iyong kaarawan. Sana lumaki kang mabait at wag pasaway na bagets hehehehe..  HAPPY BIRTHDAY

Holy Week

Holy week. Araw ng pagninilay nilay ng mga kasalanan natin dito sa mundo. Araw ng pagsisisi, pagkakaroon ng takot sa diyos at iba pa. Pero para sa akin, hindi lang dapat pagdating ng holy week tayo magnilay nilay o humingi ng tawad sa ating mga kasalanan. Sa dami ng ating mga kasalanan ay dapat araw araw tayong magdasal at humingi ng tawad ng taos sa puso natin. Ngunit ang karamihan satin, ito ang araw na nagpapakasaya sila. Imbis na magpunta ng simbahan, nasa beach sila at nagbabakasyon, imbis na magnilay nilay ito ang oras nila para magsaya. Ano na ba ang nangyayari sa ating mga tao? Masyado na ba tayong makasalanan, para magawa ang mga ito.  Ang holy week ay isang sagradong pagdiriwang para sating mga katoliko. Ito'y paraan para maalala natin ang sakripisyong ginawa ng Panginoon para matubos lang ang ating mga kasalanan. Ito rin pagbibigay alay para magkaroon tayo ng pagkakataon na magdasal ng taimtim at magnilay sa ating mga nagawa.  Sana lang, kahit na nasa bakasyo...

DIY Laptop Case

Imahe
Last year pa ako bumili ng laptop, para magamit ko sa aking online business at sa iba pang mga gagawin sa eskwelahan. Medyo mahal ng konti pero ok  lang kesa naman halos araw araw na lang na pumunta ng computer shop. Every month na din ang bayad ko sa internet bundle with telephone, actually hindi naman nagagamit ang telepono, pero ok na din yun.  Halos ilang buwan na ang laptop ko ay nitong nakaraang buwan ko pa lang natapos ang ginawa kong DIY laptop case. Naisip ko kasing kesa bumili ako ng case eh siguradong mahal pa, kaya nagtiyaga na lang akong gumawa. Ginantsilyo ko lang ito...  Halos 10 pcs na yarn ang naubos ko dito..  Medyo malabo lang ang picture ko, pero maganda naman di ba. At sigurado akong matibay yan, sariling gawa ko kaya iyan... 

Summer Na

Imahe
Dahil mainit na ang panahon kahit March pa lang ay ramdam na ang summer ay kanya kanya na namang gimik ang magagawa para kahit paano eh mabawasan man lang ang init. Ang iba swimming swimming na (mabuti pa sila), yung iba naman bakasyon grande na sa ibang lugar. Hmm, nakakainggit naman..  At dahil wala akong budget pambakasyon, o pangswimming. Naisip ko na lang gumawa ng pampalamig para kahit nasa bahay lang ay maibsan ng konti ang init na aking mararamdaman. Dahil usong uso ngayon ang kahit anong pampalamig, ice candy na lang ang naisipan kong gawin. Bukod sa mura lang eh madami pa akong nagawa kaya magsasawa ako nito.  Bumili lang ako ng dalawang pirasong manggang hinog, white sugar, sago at ung ingredients ko na pampasarap ng icecandy (secret hehehe), eto na nakagawa ako ng mahigit sa 40 pcs na ice candy with sugarfree version pa para sa heart ko.  mango sago ang flavor ng ginawa ko.. Yung green ay sugarfree version  Hindi ko po yan tinitinda. Papap...

Good morning people

Imahe
Isang masaya at magandang umaga sa inyong lahat. Maray na aga sa bicol. Good morning in english. At kahit anong language ay maganda pakinggan kapag binabati tayo ng good morning. Ibig sabihin lng nito ay mahal na mahal tayo ng DIyos dahil ginising pa tayo sa isang umaga.. Magkape muna tayo bago simulan ang ating araw ng may ngiti at may pagasa. Sa mga papasok ay kumilos na kayo dahil baka malate pa kayo sa inyong trabaho at sa paaralan. Pagkatapos magexercise ay kelangan ko na ding kumilos.  Hmm, ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Aha! kelangan ko palang mamalengke dahil wala na kaming pagkain at kelangan kong magluto para mamaya. Bumili ako ng gulay at mga prutas. At ilang ingredients para sa lulutuin ko mamaya.  Nagandahan ako sa mga nabili ko kaya ayan hindi ko napigilan ang sarili ko na ipost ito. gulay at prutas At eto pa...  Gumawa din ako ng homemade siomai, dahil namis kong kumain nito at bitin ako sa isang order na nabibili sa laba...

Earth Hour 2016

Imahe
Nagpunta kami ng SM Hypermarket sa Pasig kagabi para kumain at magrelax lang. Napansin ko ang maliit na stage sa may gilid ng foodcourt at nabasa kong magcelebrate sila ng Earth Hour 2016. So tiyempo naman na nandun kami kaya makicelebrate na din di bah.? Ilang sandali ba bago kami matapos kumain ay nagsimula na ang countdown, habang naghihintay ng 8:30 pm ay may mag entertain muna saming singer. Ang musicat daw, (sa totoo lang di ko naman kilala ang mga singer na to, kaya lang sige na nga picturan na dahil napansin kong iilan lang naman ang kumuha ng litrato nila.) So, eto na nga ang napicture ko kagabi.  Ay medyo malayo ang kuha ko hehehe O, eto tumayo na ko at lumapit ng konti.  Nakakahiya naman kung sa gitna pa ko pumunta noh? HAPPY EARTH HOUR 2016 Let us save the earth para mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon..